Tinaguriang Concert Queen Ipinasilip Ang Kanyang Napakagandang Tahanan

Nauuso ngayon sa mga artista ang pagpapasilip sa kanilang mga tahanan, na batid natin na bunga ng naging pagsusumikap nila sa kanilang trabaho sa industriya ng showbiz. At talaga namang marami sa mga sikat na artista ang kamangha-mangha ang naipundar na tahanan.
Hindi naman nagpahuli ang singer-actress na si Pops Fernandez sa pagpapasilip ng kanyang naipundar na tahanan, at kamakailan nga lamang ito ay kanyang ipinasilip sa publiko




Si Pops Fernandez o sa tunay na buhay ay si Maria Cielito “Pops” Lukban Fernandez ay isinilang noong ika-12 ng Disyembre taong 1966. Siya ay isang kilalang mang-aawit at aktres a sumikay noong dekada 90. Ang kanyang ama ay kilala bilang ang dating aksyon star na si Eddie Fernandez at ang ina naman niya ay si Dulce Lukban. Dahil sa kanyang husay sa pagiging isang mang-aawit ay tinagurian nga siyang “Concert Queen” ng showbiz.

Image Credit via Google

Ayon sa tinaguriang “Concert Queen” ang kabuuang sukat ng kanyang tahanan ay 300 sq.m, at ang disenyo nito ay hango sa isang modern-Asian house. Makikita na talaga namang napakaganda at napakalaki ng tahanan na ito ni Pops, lalo na’t mababakas din sa disenyo at mga kagamitan nito ang karangayaan na tinatamasa nniya, dahil sa pagkakaroon niya ng matagumpay na karera bilang isang personalidad sa showbiz.

Image Credit via Google

Ang tahanan ni Pops ay may temang wooden at glass, dahil ito ang karaniwang makikita sa loob nito. Mas nakakarelaks pa nga ang tahanan ng singer-actress dahil sa pagiging malawak ng loob nito kung saan makakagalaw ka talaga ng kumportable.

Image Credit via Google

Dahil naman mahilig si Pops magluto, at madalas niyang nakaka-bonding ang kanyang dalawang anak kapag siya ay nagbi-bake, ay ang kusina at dining area ang paborito niyang parte ng kanyang tahanan. Pagbabahagi pa niya, ang mga anak niyang sina Robin at Ram ang madalas na tagatikim niya ng kanyang mga niluluto, kaya naman talagang ikinatutuwa niya ang maka-bonding ang mga ito.

Image Credit via Google




Nakamamangha nga naman ang dining at kitchen are ng tahanan ni Pops, dahil maliban sa pagiging malawak nito, ay mga kumpleto din ito sa mga mamahaling mga kagamitan. Agaw-pansin sa dining area ni Pops ang kanyang 8-seater dining table

Image Credit via Google

Tunay nga naman na pagdating sa tahanan ng ating mga hinahangaang celebrity, ay talaga namang makikita natin ang naging bunga ng kanilang pagtatrabaho sa industriya ng showbiz, kagaya na nga lamang ng napakagandang tahanan ni Pops.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *