Tinangkang Ipasok Ni Kris Aquino Si Bimby Sa Sinehan Ngunit Matapos Ang Ilang Minuto Ay Pinalabas Rin Sila

Hindi na bago sa Pilipinas ang pagkakaroon ng sistema ng palakasan. Mula sa trabaho hanggang sa eskwelahan, marami ang nakaligtas mula sa mga patakaran dahil sa palakasan. Maliit lang kasi ang Pilipinas kung kaya’t karamihan sa mga tao dito ay magkakakilala. Ang mga taong may kamag-anak sa gobyerno ay madaling makahanap ng trabaho at magandang posisyon sa gobyerno. Sa eskwelahan, maaari kang ipasa ng isang guro kung kakilala ng pamilya mo ang gurong ito. “Padrino system” ang tawag dito.




Ang mga kamag-anak na naman ng politiko ay karaniwang nabibigyan ng “special treatment” sa iba’t-ibang serbisyo publiko man o pribado. Maliban sa mga kamag-anak ng mga politiko, nabibigyan rin ng special treatment ang mga artista sa iba’t-ibang lugar dahil nga sikat sila. Pero syempre, may mga pagkakataon ring hindi ligtas ang mga kilalang personalidad sa mga patakaran kahit na isang Kris Aquino pa ito.

Nitong nakaraan lamang ay nag-trending sa social media ang post ng Queen of All Media sa kaniyang Instagram account. Binahagi ni Kris Aquino sa kaniyang Instagram account ang kanyang karanasan ang tangkain nilang manuod ng sine sa Ayala Mall.

Balak kasing manuod nina Kris Aquino ng pelikulang “Kuwaresma” kung kaya’t pumunta sila sa Ayala Mall upang panoorin ang naturang pelikula. Gusto rin niya kasing magbigay ng suporta sa kanyang kaibigang si Sharon Cuneta na siyang bida sa nasabing pelikula.
Kasama niyang noon ang kanyang bunsong anak na si Bimby Aquino.

Bagama’t R13 ang pelikula (ibig sabihin, 13 taong gulang pataas lamang ang maaaring manood ng pelikula), nagbakasakali pa rin si Kris Aquino na isama si Bimby dahil matangkad na naman raw at baka hindi mahalatang 12 anyos pa lamang si Bimby.
Pero kahit nakalampas ang mag-ina at nakapasok sa loob ng sinehan, sinita naman sila agad matapos ang 30 minutong panonood ng pelikula.

Napag-alaman ng mga opisyal ng sinehan na 12 taon pa lamang si Bimb at kinakailangan raw nilang sundin ito. Ayon kay Kris, hindi na rin raw ito nakakagulat dahil nga “sikat” sila. Buong loob namang sumunod si Kris sa patakaran ng sinehan. Isa itong patunay na kahit gaano ka kasikat, kinakailangan mo pa ring sumunod sa batas.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *