Tingnan Ang ‘Artistahin Looks’ Na Mga Anak Ng Mag Asawang Yasmine At Alfred Vargas

Tunay nga naman na walang kasing saya ang buhay ng isang tao kung siya’y mayroong isang buong pamilya. Iba nga naman ang naidudulot na kaligayahan ng pamilya sa ating buhay.




Kagaya na nga lamang ng dating Encantadia star na si Alfred Vargas, na labis ang kasiyahan at pagiging kontento na ngayon sa buhay magmula nga ng siya ay bumuo ng kanyang sariling pamilya, kapiling ang kanyang napakagandang asawa na si Yasmine – Espiritu Vargas at ang kanilang mga naging anak na dalawang babae at isang lalaki.

Photo Credit via Instagram

Matatandaan na bilang isang aktor, ay isa sa mga itinuturing na ‘big break’ ni Alfred Vargas sa kanyang karera ay ng mapabilang siya sa Kapuso Fantaserye na ‘Encatadia’, kung saan ay gumanap siya bilang si Aquil at nakasama nga niya ang ilan sa mga bigating Kapuso actress na sina Sunshine Dizon, Karylle, Iza Calzado at Diana Zubiri.

Photo Credit via Instagram

Samantala, bago pa man nga nakilala ni Alfred ang kanyang napakagandang asawa na si Yasmine, ay minsan ng inamin ng kanyang misis na noon pa man ay fan na siya ng napangasawang aktor, at dahil crush na crush niya talaga ito ay marami siyang mga posters nito noon sa kanyang kwarto.

Photo Credit via Instagram

Tunay namang napakaganda ni Yasmine dahil siya’y half-Filipino-Italian, kaya naman talagang nabighani din si Alfred ng una niyangmasilayan ang kanyang asawa.
Si Yasmine at Alfred ay dalawang beses na ikinasal at nagsumpaan ng kanilang pagmamahal sa isa’t isa.

Photo Credit via Instagram

Sa naging panayam nga noon sa Kapuso actor, ay ibinahagi nito nan a-love at first sight siya sa kanyang asawang si Yasmine ng una niya itong makita sa isang Barangay Fiesta kung saan siya ay nakumbidahan bilang isang guest. At simula nga noon ay agad niya ngang niligawan ito, hanggang sa ito nga ay kanya ng maging asawa.

Photo Credit via Instagram

Ang pagsasama ng mag-asawang Yasmine at Alfred ay nabiyayaan naman ng tatlong mga anak, na talaga namang mga ‘artistahin looks’ din katulad ng kanilang mga magulang, at ito nga ay sina Alexandra Milan, na ipinanganak sa Italy, sinundan ito ni Aryana Cassandra at ang bunso nga nila at nag-iisang lalaki na si Alfredo Cristiano.

Photo Credit via Instagram

Dahil nga sa talagang magaganda at gwapo ang anak ng mag-asawa, ay mayroong mga netizens na nagtataong kung papayagan ba nila ang mga ito na pasukin ang mundo ng showbiz kung sakaling gustuhin ng mga ito ang pag-aartista.

Para naman kay Alfred ay mahalaga muna sa ngayon ang sulitin niya ang pagiging bata ng kanyang mga anak, dahil tila nga sa panahon ngayon ay napakabilis ng panahon.
“When I was a kid growing up, time was so slow. Now that my kids are growing up, time is just so fast.

Whether time is snail-like or hasty, as a dad, I just want to spend the most time with my children and make wonderful memories with them. Even the simplest Sunday afternoon walks can create the most beautiful memories. Today, we just observe the little ants and insects we encountered along the streets and were greeted also by the charm of the colorful flowers.”

Kahit naman mahigit isang dekada na ang pagsasama bilang mag-asawa nina Yasmine at Alred, ay hindi pa rin nawawala ang kilig na naramdaman nila sa isa’t isa nung una silang magtagpo dalawa, kaya naman talagang napakatamis pa rin ng kanilang pagmamahalan.
Ayon nga sa aktor, ay talagang napaka-swerte niya sa kanyang misis, at ang bawat umaga niya ay walang kasing saya, dahil araw-araw siyang gumigising na ito ang kanyang unang nasisilayan.




“Napakaswerte ko sayo. Ang sarap magising tuwing umaga na katabi kita. Ang sarap mong ligawan araw-araw hanggang ngayon at ipagpapatuloy kong ligawan ka kahit maputi na ang buhok natin. Salamat dahil laging oo naman ang sagot mo sa akin. Mahal na mahal kita”, ani Alfred para sa kanyang minamahal na asawang si Yasmine.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *