Tingnan Ang At Ikotin Ang Bonggang Bahay Ni Awra Briguela

Pangarap na bahay ni Awra Briguela para sa kanyang pamilya nabigyan na niya ng katuparan. Kamakailan lamang ay masaya at proud na ipinasilip ng former child star na si Awra Briguela ang bagong bahay na naipundar niya para sa kanyang pamilya. Ito nga ay matapos siyang bisitahin ng broadcaster na si Karen Davila sa kanyang bagong bahay.
Ang naging pagbisita nga na ito ni Karen sa bagong bahay ni Awra ay ibinahagi niya sa bagong episode ng YouTube channel niya.




Kilala ng marami bilang former child star si Awra Briguela ng Kapamilya network. Ngunit bago man nga siya nakilala sa industriya ng showbiz, ay una muna siyang nakilala ng publiko sa social media ng mga panahon na siya ay bata pa. ito ay dahil sa mga nakakatuwa niyang facial reactions. Dito din siya napansin ng Unkabogable star na si Vica Ganda.

Photo Credit via Google

Nang siya nga ay mapansin ni Vice Ganda ay dito na siya at kunin siya noon para sa It’s Showtime, ay dito na nga nag-umpisa ang sunod-sunod na oportunidad sa showbiz. Nakasama din siya sa ilang mga proyekto ni Vice, kagaya na lamang ng mga naging comedy film nito.

Photo Credit via Google

Lingid naman sa kaalaman ng marami na bago pa man napasok ni Awra ang mundo ng showbiz, ay isa siya sa mga batang nangangarap lamang na magkaroon ng magandang buhay, lalo na’t lumaki siya sa mahirap na pamilya. At dahil panganay sa kanilang magkakapatid, ay nais niya ngang mabago ang estado ng buhay nila at mabigayan ng maayos na buhay ang kanyang mga kapatid at magulang.

Photo Credit via Google

Sa pagkakaroon nga ni Awra na mapasok ang mundo ng showbiz, ay dito na unti-unti nagbago ang buhay nila ng kanyang pamilya. At dito na din siya nagkaroon ng pagkakataon na maisakutaparan ang pangarap niyang maganda at kumportableng tahanan para sa mga mahal niya.

Photo Credit via Google

At ngayon nga na naipundar na niya ang bahay na pangarap niya, ay isa ito sa mga itinuturing niyang pinakamalaking achievement niya. Samantala, sa naging pagpapasilip ng ani Awra kay Karen Davila ng bagong bahay nila ng kanyang pamilya ay kanya ngang ipinakita ang iba’t ibang bahagi ng kanilang magandang tahanan, kagaya na lamang ng Foyer, Powder Room, malawak na dining at living area.




Masaya ding ibinahagi ni Awra kay Karen na kung noon ay abot kamay lamang niya ang kisame sa dati nilang tinitirhan dahil sa liit nito, ngayon nga proud niyang ipinakita na high ceiling na ito at may chandeliers pa ang bahay na kanyang naipundar. Nagbigay din ng pasilip si Awra sa mga koleksyon niya ng damit at sapatos at ipinakita pa niya ang sapatos na ibinigay sa kanya ni Vice Ganda. Matapos nito ay ngtsi-chikahan pa sila ni Karen Davila, kung saan ay napag-usapan din nila ang lovelife niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *