Tingnan Ang Batang Babae Na Pinaglihi Umano Sa Barbie Doll Dahil Sa Kanyang Kakaibang Mata

Isang batang babae na mula sa Sultan Kudarat ang kamakailan lamang ay nagbigay pansin sa mga netizens, ito ay dahil nga sa kanyang kakaibang mata. Ang larawan na ito ng naturang batang babae ay ibinahagi sa social media account ni Mark Chews.




Ayon nga sa ibinahaging post ng netizens na si Mark Chews ay kinilalang si Jhopye, isang batang babae na mula sa lugar ng Esperanza, Sultan Kudarat. Naging agaw-pansin ang kanyang larawan dahil sa taglay niyang kagandahan at kakaibang kulay ng kanyang mga mata.

Image Credit via Google

Makikita sa larawan ni Jhopye na ang kanyang mga mata ay kulay asul, na hindi nga naman pangkaraniwan pagdating sa ating mga Pinoy, lalo na kung putong katutubo ang lahing kanyang pinagmulan. Usap-usapan nga na kaya umano naging asul ang kulay ng mga mata ng batang babae ay dahil sa pinaglihi umano ito sa barbie doll.

Image Credit via Google

Kakaiba nga naman ang kudisyon ng mga mata ni Jhoype. Maliban pa dito ay napag-alaman din na may kakulangan ang naturang bata sa kanyang pagsasalita. Base naman sa naging ulat, marahil kaya may pagkakaiba si Jhoype sa normal na mga bata, ay dahil sa naging kahirapan ng kanyang pamilya nu’ng siya’y ipinagbubuntis pa.

Image Credit via Google

Pagbabahagi naman ng netizens na si Mark, nais ni Jhoype ang makapa-aral ng mabuti sa kabila ng kanyang kalagayan. Kaya naman upang matulungan si Jhoype ay nanawagan siya sa social media, para sa mga taong nais magbigay ng tulong sa pamilya ng batang babae.

Image Credit via Google

Dahil naman sa ginawa ni Mark na pagbabahagi ng buhay ni Jhoype ay maraming mga netizens ang naawa sa sitwasyon ng bata at marami rin ang namangha sa taglay nitong kulay ng mga mata.




Bukod nga sa kakaibang kulay ng mga mata, ay nangangailangan din ang batang si Jhoype ng gamutan dahil sa sitwasyon niya na hindi siya makapagsalita, kaya naman para makatulong ay ginawa ni Mark ang pag-post sa social media upang kumatok na rin ng tulong sa ibang mga kababayan natin na may kakayahan at nais makatulong sa batang si Jhoype.

Hiling naman ng marami, na nawa’y maraming ang magbigay ng tulong sa bata upang magkaroon ito ng normal na buhay, at matupad nito ang mga pangarap niya sa buhay na nais niyang marating.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *