Tingnan Ang Bonggang Customized Van Ng Kapamilya-Actress Na Si Ivana Alawi

Dahil sa klase ng trabaho ng mga celebrity kung saan sa iba’t ibang lugar sila nagte-taping at hindi maiwasan na sila ay abutan ng gabi o madaling araw sa kanilang pagtatrabaho ay talaga namang kinakailangan nila ng isang maayos na sasakyan kung saan sila makakapagpahinga kapag sila ay nasa byahe papuntang shooting o di kaya naman pag sila ay inabutan na ng gabi sa shoot at nakaramdam na ng pagod at puyat.




Kung kaya naman nauso na sa mga artista ang magkaroon ng tinatawag na ‘celebrity van’, isang sasakyan na kanilang pina-customized nila ang laman base sa pangangailangan nila sa kanilang trabaho.

Image Credit via YouTube

Isa nga sa mga Kapamilya actress na nag-invest na magkaroon ng sarili niyang celebrity van ay si Ivana Alawi, at kamakailan nga lamang ay kanyang ipinasilip ang sasakyan niyang ito publiko.

Image Credit via YouTube

Para sa kanyang pinapangarap na “celebrity van” noong taong 2018 ay bumili si Ivana ng Toyota Hiace Super Grandia, at ito nga ay kanyang ipina-customized kay Atoy Llave, ang may-ari ng Atoy Customs isa sa kilalang nagpapaganda ng mga sasakyan ng mga artista.

Pagbabahagi ni Ivana, kaya Toyoya Hiace Grandia ang napili niyang sasakyan na ipa-customized ay dahil swak na swak ito sa kanyang pangangailangan. Malaki, maganda at malawak kasi na sasakyan ito, kaya naman kasya halos lahat ng mga pangangailangan niya rito.

Image Credit via YouTube

Sa naging pagpapasilip ni Ivana sa loob ng kanyang celebrity van ay makikita na ito ay mayroong dalawang executive chairs na may footrests. Mayroon din itong rear chair at sofa bed, na kung nais nga niyang mahiga at magpahinga ay ito ang kanyang ginagamit.

Image Credit via YouTube

Pina-customized rin ni Ivana ang bubong ng sasakyan, kung saan ito ay pinalagyan niya ng ilaw na pang stary night ang dating, na para nga sa aktres ay nakakarelaks tignan lalo na pag ito ay nagpapalit-palit ng kulay.

Image Credit via YouTube

Hindi naman mawawala ang vanity mirror sa loob ng sasakyan ni Ivana, dahil batid natin na mailig mag-ayos ang actress-vlogger. Ito ay kanyang ipinalagay para hindi na siya mahirapan pang mag-ayos o i-retouch ang kanyang sarili kapag may biglaang lakad siya.

Image Credit via YouTube

Kapag nasa shooting minsan ay sa loob ng van kumakain si Ivana, kung saan ay mayroong fully adjustable table ang kanyang sasakyan na siya niyang pinagkakainan at mayroon din itong mini cabinet na siya namang pinaglalagyan niya ng mga utensils niya.

Image Credit via YouTube

Para naman maliban sa kanyang cellphone ay may mapaglibangan siya kapag nasa byahe ay pinalagyan rin ni Ivana ng 24’ TV ang kanyang sasakyan, at ito ay isang Samsung brand nanakalagay nga banda sa likod ng driver seat.

Video Credit: Ivana Alawi/YouTube

Samantala, ikinabilib naman at kinagiliwan ng mga netizens ng walang karate-arte ipinakita ni Ivana na mayroon siyang arinola sa loob ng kanyang sasakyan. Ipinaliwanag naman ng aktres na malaking tulong sa kanya ang arinola, lalo’t kapag nasa mahaba siyang byahe at nais niyang umihi ay hindi na niya kelangan pang maghanap ng gas station o restaurants.




Ipinakita rin ni Ivana ang mga stocks niya ng pagkain na nakatago sa kanyang sofa bed, kagaya na lama ng mga junk foods at chocolates. Ayon naman kay Ivana ngayon ay hindi niya nga masyadong nagagamit ang kanyang sasakyan, dahil na nga sa sitwasyon na dulot ng krisis.

Ibinuking naman ng kapatid ni Ivana na si Hashim na simula ng mabili ng actress-vlogger ang van nito ay hindi na ito bumili pa ng kotse, na agad naman sinagot ni Ivana na hindi siya basta basta bumibili ng mga bagay na hindi naman niya masyadong kailangan. At dagdag pa niya mas nais niyang masulit ang pag gamit ng kanyang van.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *