Nakilala ng publiko si Shalani Soledad bilang ex-girlfriend ni Benigno ‘Noynoy’ Aquino III, ang Aquino III, ang dating Presidente ng Pilipinas. Silang dalawa ay nagkakakilala noong taong 2005, kung saan ng panahong iyon ay isang news reporter si Shalani sa UNTV 37 habang si Noynoy naman ay isang kongresista sa ikatlong distrito ng lalawigan ng Tarlac.
Ang kanilang pagtatagpo ay naganap ng mag-uulat ito si Shalani sa ginanap na State of Nation Address ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, na dinaluhan rin ni Noynoy.
Mula taong 2008 hanggang 2010 ang naging samahan nina Shalani at Noynoy, ngunit bag nga ang pagproklama kay Noynoy bilang Presidente ng Pilipinas ay naghiwalay na ang dalawa dahil sa pareho umanong busy at hectic ang kanilang skedyul at tila hindi na nga nila mabibigyan ng oras ang isa’t isa.

Matapos ang naging relasyon ni Shalani sa dating Pangulo ng Pilipinas na si Noynoy, ay naging co-host siya ni Willie Revillame sa programang Wiling Willie noon ding taong 2010.
Dahil sa magandang samahan nina Shalani at Willie, ay marami nga ang kinilig sa kanilang dalawa.

May iba pa ngang mga tagasubaybay ng programa ang nagsasabi at hinihiling noon na magkatuluyan sana sina Shalani at Willie. Ngunit ayon nga kay Willie, ay hindi naman patungo sa relasyon ang samahan nil ani Shalani, sapagka’t ang layunin lamang niya ay ang tulungan ito na maka-moveon sa naging hiwalayan nito kay Noynoy.

Samantala, dahil nga sa pagiging mahinhin ni Shalani, ay marami ang humuhusga noon sa kanyang hosting skills dahil sa tila nga ito’y walang kabuhay-buhay at kinakailangan nga umano na magkaroon si Shalani ng mataas na energy para mas madaming matuwa sa pagho-host niya.

Ipinagtanggol naman si Shalani ng kanyang isang kaibigan, ay sinabi nga na bata pa lamang ay talagang mahinhin na ito ngunit ang katangian nga na ito ni Shalani ang minahal sa kanya ng marami.

Ikinasal si Shalani noong taong 2012 kay Pasig Rep. Roman Romulo, dahilan din upang tuluyan niyang iwanan ang programang Wil Time Bigtime. Sa St. Benedict Church sa Ayala Westgrove Heights ikinasal si Shalani at Roman. Sa ngayon nga wala pa ring anak ang mag-asawa, sa kabila naman ng matagal na nilang sinusubukan na mabiyayaan sila nga anak.
Aminado naman si Shalani na sa edad niya ngayon na 41, ay hindi na madali sa kanya ang magdalang-tao, ngunit para magkaroon sila ng supling ng asawa ay handa nilang gawin ang lahat ng paraan na makakaya nila. Bukas rin umano ang mag-asawang Shalani at Roman sa paraan na IVF o In Virto Fertilization para lamang magkaroon sila ng anak.