Tingnan Ang Child-Friendly Family Home Ng Mag Asawang Saab Magalona At Jim Bacarro

Pagdating sa pagsasaayos ng isang tahanan, isa sa mga isinasaalang-alang ng mga magulang ay ang kaligtasan ng kanilang mga anak, kaya naman ang mag-asawang Sab Magalona at Jim Bacarro ay sinigurado na ang kanilang tahanan ay magiging child-friendly at childproof para sa kanilang mga anak.




Para nga magawan nilang child friendly at childproof ang kasalukuyang niyang tahanan, ang mag-asawang Sab at Jim ay humingi ng tulong sa mga eksperto pagdating dito, at ang tumulong nga sa kanila para sa proyekto nilang ito para sa kanilang tahanan ay ang Ikoniq Design Studio.

Photo Credit: saabmagalona/Instagram

Marami ang nabago sa tahanan ng mag-asawa, kagaya na nga lamang ng mga naging pagbabago sa kanilang foyer, living area at kusina. Naging hands-on naman si Saab sa pagbibigay ng ideya para sa naging pagbabago ng kanilang tahanan, at isa nga sa kanyang mga naging suhestyon ay ang naging tema ng tahanan nila kung saan ito nga ay ginawang mid-century modern at industriyal.

Photo Credit: saabmagalona/Instagram

Dahil sa suhestyon na ito ni Sab, ang mga designer nga ay pinili ang gawing bamboo charcoal ang disenyo ng flooring ng tahanan ng mag-asawa. Ginawa namang off-white ang kulay ng mga dingding, upang manatiling maliwanag at maaliwalas ang parte na ito ng tahanan.

Photo Credit: saabmagalona/Instagram

Isang kulay kahel na sofa naman ang piniling ilagay sa living area, na talaga namang bumagay sat ema, at para naman sa industriyal na tema ay brick wall naman ang ginawa sa may bandang breakfast bar.

Photo Credit: saabmagalona/Instagram

Ayon naman sa mga designer ng tahanan na ito ng mag-asawang Jim at Sab, mas maraming naging pagbabago sa kusina ng tahanan ng mag-asawa, ito ay dahil sa ninais nga ng mga ito na mas gawing malawak ang expansion sa bahagi na ito, upang kahit na nagluluto si Jim ay maaring maglaro ang kanyang anak sa kitchen island.

Pagbabahagi naman ni Sab, ay talagang nasiyahan siya sa kilabasan ng pagsasaayos ng kanilang tahanan, dahil ngayon ay mas panatag na siya dahil na rin sa pagiging child friendly ng tahanan nila ngayon. Nagustuhan din nga umano niya ang mga bago nilang furnitures, na umayon sa kanyang kahilingan at talagang bumagay sa tema na ngayon ng tahanan nila.




Tunay namang napakaganda ng kinalabasan ng tahanan na ng mag-asawa, at siguradong maraming mga magulang din ang nakakuha ng ideya sa kung paano nila ayusin ang kanilang tahanan na masigurado nilang ligtas ang kanilang mga anak. Napakaganda naman talaga kung ang isang tahanan ay child-friendly, lalo na sa mga mag-asawang mayroon ng anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *