Nagbunyi ang maraming mga Pinoy ng masungkit ng weight lifter na si Hidilyn Diaz ang pinaka-unang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics nito lamang nakaraang buwan ng Hulyo. At dahil nga sa kanyang tagumpay na ito na inuwi sa ating bansa, ay marami sa mga malalaki at pribadong korposaryon sa bansa ang nangako na magbibigay ng insentibo para sa kanya dahil sa binigay niyang karangalan.
Noong ika-26 ng Hulyo gumawa ng kasaysayan si Hidilyn Diaz bilang ang kauna-unahang atletang Pinoy na nakasungkit ng gintong medalya sa Olympics, ito nga ay matapos niyang magwagi sa women’s 55kg weight lifting division. At pagpasok nga ng buwan ng Agosto, ay isa-isa ng natanggap ng Pinay Olympian na si Hidilyn Diaz ang mga ipinangakong insentibo para sa kanya.

Matatandaan na sa unang linggo ng buwan ng Agosto, petsa sais, ay natanggap ni Hidilyn ang kanyang bagong sasakyan na siya ngang “gift of gratitude” sa kanya ng Ayala Corporation at Kia Philippines dahil sa pag-uwi niya ng kauna-unahang Olympics Gold Medal sa bansa.

Pagkalipas nga lamang ng ilang araw, noon ngang ika-9 ng Agostos, araw ng Lunes, ay masaya naman niyang tinanggap ang isang napakagarbong 2-bedroom condominium unit sa One Eastwood Avenue na handog naman sa kanyang ng real estate company na Mega World Corporation.

Ayon sa mga ulat, tinatayang aabot sa 14-milyong piso ang halaga ng nasabing condo unit. At dahil sa ito ay kumpleto na sa lahat ng kagamitan, at kahit anong oras ay maari na itong tirhan ni Hidilyn kung nanaiisin niya. “All that Hidilyn and her family need to do is just bring their clothes and other personal effects, and they are good to stay in the unit”, ang naging pahayag ni Kevin Tan, ang Executive Vice President ng Megaworld Corporation at anak ng Chinese-Filipino business tycoon na si Andrew Tan.

Naibahagi naman ni Andrew Tan sa naging panayam sa kanya na nararapat lamang kay Hidilyn ang naturang gantimpala, ito nga ay dahil sa naging pagbandera nito sa bansa noong katatapos lamang na Tokyo Olympics dahil nga sa nakamit nitong gintong medalya.
Samantala, maliban sa napakagarbong condo unit na ito, ay nagpagawa rin ang naturang korporasyon sa isang fine arts student ng isang charcoal painting ni Hidilyn.
At ayon sa fine arts student na lumikha ng charcoal painting ni Hidilyn na kinilalang si John Ken Gomez, ay hangad niya na tuwinang maaalala ng Pinay weightlifting champion ang karangalan na ibinigay nito sa bansa tuwing masisilayan nito ang kanyang likhang painting.
“The story of Hidilyn’s victory is great source of inspiration for Filipinos. I hope every time she looks at that artwork, she will be reminded that she is a symbol of hope and pride for all of us”, saad ni John Ken.