Tingnan Ang Ginawa Ng Babaeng Ito Sa Kanilang Bahay Para Hindi Makalimutan Ng Kanyang Asawa Ang Kanyang Mga Trabaho

May kasabihan na ang kalinisan raw ng isang tahanan ay salamin ng pagkatao ng mga nakatira dito. Kaya naman tayo bilang mga Pilipino ay talagang masinop sa mga gamit at sadiyang mahilig maglinis sa ating bahay kahit wala namang bisitang dumarating. Karaniwan sa mga nangangalaga ng ating bahay ay ang ating mga ina, o asawang mga babae.

Sila talaga ang naka-toka sa gawaing bahay samantalang ang kanilang mga asawang lalaki naman ang bahala sa paghahanapbuhay para sa kanilang pangangailangan.
Subalit, sa pagkakataong pati ang asawang babae ay may trabaho din, madalas na iwanan ang bahay na magulo. Napapabayaan na rin ang kalinisan nito dahil pag-uwi galing sa trabaho ay pagod ang mag-asawa at wala nang maglilinis ng kalat at gulo na nagawa.




Pero maiwasan ang gulo ng bahay at mapanatili ang kalinisan at kaayusan, naisipan ni Joanna Mae Briones Alcantara na magkaroon ng simple at katuwang paraan ng pagpapakilala sa kanyang asawa ang kalinisan ng kanilang bahay. Sa kaniya ngayo’y viral na Facebook post, naisipan ng gurong si Joanna na ibahagi sa netizens ang kanyang ideya para mapanatili ang kaayusan ng kanilang pamumuhay kahit nasa trabaho sila.

Sa mga larawang kanyang ibinahagi, makikita dito ang mga maliliit na karatula ng nagpapaalala sa mga dapat gawin matapos gamitin o bago iwan ang mga gamit. Naglagay siya ng karatula sa pindutan ng ilaw, sa mga bintana, sa sofa, banyo, at sa kanilang kusina. Narito ang ilan sa mga nakasulat sa karatula.

1. Ayusin ang kurtina sa umaga. Talian ng pulang laso para maaliwalas

2. Ayusin ang sofa at throw pillow pagkatapos gamitin. Baka may dumating na bisita.

Marami ang natuwa sa ideyang ito ng gurong si Joanna. Para naman kay Joanna, gusto niya lang naman raw na maging maayos ang kanyang bahay dahil pinaghirapan nila itong itayo ng kanyang asawa. Naging epektibo na naman raw ang kanyang paraan dahil nasusunod naman raw ng kanyang asawa.

Dahil nga pareho na may trabaho, hindi na niya pinagtutuunan ng pansin ang palagiang pag-imis ng mga kagamitan sa kanilang bahay kung kaya’t sa simpleng paraan na ito, nagawa niyang makuha ang kooperasyon ng kanyang asawa.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *