Tingnan Ang Higanteng Ube Na Naani Ng Isang Magsasaka Sa Benguet

Nitong nakaraan lamang ay nagtrending sa social media ang isang magsasaka na nagngangalang Homer Menzi na mula sa Benguet dahil sa siya ay nakakuha ng isang higanteng ube na kulay puti sa kanyang mga tanim.

Image Credit via Google




Sa laki ng Ube ay umabot ito sa timbang na 28 kilo at tumatayong may taas na 6 na talampakan, ngunit ayon sa pinsan ni Homer na si Jayson Pacio ay hindi naman ito ang kauna-unahang pagkakataon na sila ay nakapag harvest ng malaking ube dahil noon din daw ay nakapag harvest na sila ng ube na may 13 kilo ang timbang.

Image Credit via Google

Sa tuwa nga ng magpinsan sa kanilang naharvest na malaking ube ay agaran nila itong ibinahagi sa social media. Isang Agricultural Technologist naman na si Michelle Saingan mula sa Tuba, Benguet ang nagsabi na ang sikreto upang makapag palaki ng mga magagandang bunga mula sa mga pananim ay ang pagkakaroon ng magandang lupa at paggamit ng fertilizer para sa mga ito.

Image Credit via Google

Ayon pa dito kung magtatagal umano ang ube sa ilalim ng lupa ay maaari itong mabulok o masira, para rin sa kanya ang higanteng ube na naharvest ni Homer ay kailangan pa rin ng masusing pag-aaral upang mabatid kung ano ang naging dahilan ng paglaki nito ng sobra kung ikukumpara sa natural sa laki ng isang ube.

Agaran naman na naibenta ni Homer Menzi ang nakuha niyang higanteng ube sa isang pasalubong store sa Baguio City, Good Shepherd. Hindi naman maiiwasan mamangha ng empleyado ng Good Shepherd na si Michael Amagod ng makita niya ang higanteng ube na dala ni Menzi.

Ngunit ayon naman sa kanya ay hindi naman imposible na makapag harvest ng malaki at magandang bunga ang mga magsasaka ng Benguet sapagkat ang mga ito ay maayos at maalaga sa kanilang mga pananim. Mga magagandang klase rin umano ng mga seedlings o buto ng mga pananim ang ginagamit ng mga magsasaka sa Benguet.




Sa pagbabahagi nga ni Homer at ng kanyang pinsan sa social media ng larawan ng nakuha niyang Higanteng Ube ay agaran itong naging usap-usapan at marami ang humanga na mga netizens sa naging laki ng ube. Dahil sa dami ng nagbahagi ng post ng larawan ng higanteng ube ay nag viral ito sa sa social media.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *