Tingnan Ang Isang Pangyayaring Bumago Sa Relasyon Ng Magkasintahang Ito

Sadyang may mga pelikulang hindi nagtatapos sa magandang katapusan kung kaya’t iniiwan tayo nito na luhaan paglabas ng mga sinehan. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi mula sa pelikula ang kwento ngunit hango sa totoong buhay na ibinahagi ng isang babae patungkol sa kanyang nobyo. Ibinagi niya ang kanilang istorya na talaga namang nagpaluha sa mga netizens.




Sa post ng Facebook user na si Eina Jane Pineda, sinabi ng dalaga kung paanong ang kanilang masayang pagsasama ay natapos sa isang kisap-mata. Binahagi niya sa kanyang post ang pagkawala ng kanyang minamahal na si Ryan Bairoy na nasangkot sa isang nakalulungkot na pangyayari na tumapos sa kanyang buhay.

 

Nagsimula ang kanilang istorya sa pagpapansin ni Ryan kay Eina noong nasa elementarya pa lamang sila. Sa paglipas ng panahon ay naging crush na din ni Eina si Ryan ngunit hindi na sila nagkita pagkatapos nilang magtapos ng elementarya.




Nagkaroon naman ulit ng koneksyon ang dalawa sa tulong ng matalik na kaibigan ni Eina na si Sam noong high school. Nagpalitan sila ng numero ng kanilang mga cellphones at doon na nagsimulang manligaw si Ryan. Taong 2011 nang sagutin ni Eina si Ryan.




Matagal nang pangarap ni Ryan ang maging seaman kung kaya’t kumuha siya ng kursong Marine Engineering at naging skolar. Kitang-kita ni Eina kung paano naghirap at nagpursige si Ryan upang makapagtapos at makamit ang kanyang pangarap.

Pagkatapos namang makapagtapos ni Ryan ay plinano niya agad ang kanilang kinabukasan. Kinailangan nilang maging malayo sa isa’t-isa dahil kailangang maghanda ni Ryan sa pagsampa ng barko. Taong 2017 nang maging isa itong ganap na seaman.

Naging maayos ang takbo ng kanilang relasyon at ng karera ni Ryan. Kahit na malayo sa isa’t-isa ay may maganda ng plano ang dalawa at hindi daw pumapalya si Ryan sa pangangamusta kay Eina kahit na busy ito.




Ngunit isang pangyayari ang sumubok sa tatag ng kanilang relasyon, nitong October 7 lamang ay nasangkot si Ryan sa isang aksidente. Lumaban man si Ryan sa ospital, sa kasamaang palad ay sumuko na ang katawan niya dahil sa mga natamo nitong tama sa utak at binti.

Hindi niya lubos akalain iyon na pala ang huling masayang pagsasama nila ni Ryan. Tila gumuho ang lahat ng kanyang pangarap at plano para sa isa’t-isa. Hanggang ngayon ay unti-unti nang tinatanggap ni Eina ang katotohanang wala na ang kanyang pinakamamahal.

Ngunit sa kabila ng kanyang dinanas ay naggawa niya pa ring isabuhay ang alaala ni Ryan sa pamamagitan ng pagbabahagi nito sa Facebook. Nagbigay namam ng kanilang simpatiya ang mga netizens sa pamamagitan ng pagkokomento sa post ng dalaga.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *