Tingnan Ang Larawan Ng Aktres Na Si Coleen Garcia Habang Karga Ang Napaka Cute Na Si Baby Amari

Isa sa mga celebrity baby ngayon na talaga namang kinagigiliwan ng maraming mga netizens dahil sa overload na ka-kyutan ay ang anak ng celebrity couple na sina Coleen Garcia at Billy Crawford na si baby Amari.




Tunay nga namang napaka-kyut ng baby boy na ito ng mag-asawa, kaya naman hindi rin mapigil nina Billy at Coleen na ibahagi sa kanilang social media account ang bawat milestone ni baby Amari, bilang proud parents nito.

Photo Credit: Coleen/Instagram

Samantala, nito lamang ngang nakaraan ay muling kinagiliwan ng maraming netizens ang mag-inang Coleen at baby Amari. Ito nga ay matapos ibahagi ng celebrity mom sa kanyang Instagram account ang larawan nila, kung saan ay karga-karga niya si Amari habang silang dalawa ay parehong nakasuot ng puti na damit.

Photo Credit: Coleen/Instagram

Nakasaad naman sa caption ng larawan, ay ang mensahe ni Coleen na huwag naman sanang masyadong maging mabilis ang paglaki ni Amari.
“Please don’t grow up too fast”, caption ni Coleen.

Photo Credit: Coleen/Instagram

Makikita naman sa bawat larawan ng pamilya nina Coleen at Billy kung gaano nilang mag-asawa todong inaalagaan ang anak nilang si Amari. Habang si baby Amari nga ay unti-unti ng lumalaki ay tila mas lalo namang na-e-enjoy ni mommy Coleen ang pag-aalaga sa kanyang cute baby, dahil sa nagagawa na nilang makapaglaro sa loob ng kanilang bahay.

Photo Credit: Coleen/Instagram

Mapapansin naman na hindi masyadong nahihiparan ang mag-asawang Coleen at Billy sa pagpapalaki sa kanilang anak, lalo pa nga’t sa magkatuwang nila itong ginagawa.

Photo Credit: Coleen/Instagram

Hindi rin maikakaila na saya at galak ang nadarama ng celebrity couple kapag nakikita nilang masaya ang kanilang anak na si baby Amari, kaya naman lahat ng pagmamahal at oras nilang mag-asawa ay ibinubuhos nila rito.

Photo Credit: Coleen/Instagram

Sa social media ng mag-asawa ay madalas na nagbabahagi sila ng mga kaganapan sa buhay ng kanilang pamilya, mula sa naging pagdating ni baby Amari sa kanilang buhay hanggang sa ngayon na ito ay malaki na nga at isa ng aktibong sanggol na labis na kinagigiliwan nilang mag-asawa at maging ng kanilang mga tagahanga.




Dahil sa talaga namang kagiliw-giliw at overload sa kakyutan si baby Amari ay laging nakaabang ang mga tagahanga ng kanilang pamilya sa mga larawan at videos niya na ibinabahagi ng kanyang mga magulang sa social media.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *