Tingnan Ang Magarang Walk-in Closet Ni Cheska Garcia

Maraming kababaihan ang nangangarap na magkaroon ng isang maganda, maayos at malawak na walk-in closet. Pinagpala talaga si Cheska na magkaroon ng gwapo at napaka supportive na asawa, na susuportahan siya at binigyan siya ng pagkakataon na magkaroon ng napakalawak na closet sa kanilang tahanan.

Image Credit via Instagram




Saad nga ng asawa niya na si Doug Kramer, “almost every girl’s desire. At totoo nga naman, dahil sa napakalaki at napakalawak ng walk-in closet ni Cheska, sino nga ba namang babae ang hindi mangangarap na magkaroon din ng ganito kaganda at kalawak na closet.

Image Credit via Instagram

Batid nating lahat na ang bahay ng Team Kramer ay bagong gawa pa lamang at kalilipat pa lamang nila dito. Sa isang house-tour video na uploaded sa Youtube Channel ng Team Kramer, makikita ang pagpasok nina Kendra at Scarlett sa closet ng kanilang mommy.

Image Credit via Instagram

Kung saan hilig nilang galawin at isukat ang ibang gamit ni Cheska. At doon namangha ang mga netizens sa ganda at sobrang lawak nga talaga ng closet ni Cheska Garcia, sa video ay makikita ang napakalaking cabinet ng napakaraming damit.

Image Credit via Instagram

malawak na cabinet ng mga magagandang sapatos at mamahaling bags at isang pina sadyang cabinet na para lang talaga sa mga accessories ni Cheska.

Image Credit via Instagram

Ayon na rin kay Doug ang walk-in closet ni Cheska ay mas malaki pa kesa sa kanilang master’s bedroom at ito rin ang pinakamalaking kwarto sa kabuuan ng kanilang bahay. Sinabi din niya na meron din naman siyang mga gamit doon, pero hindi nga lang mapansin.
At ayon pa sa kanya halos malapit nang maging kasize ni Kendra ang paa ng kanyang mommy, dahil size 5 lang ang paa ni Cheska.




Ilang taon na lang ang bibilangin at sigurado magsusuot na si Kendra ng sapatos ng kanyang mommy. Kaya antay antay na lang si mommy Cheska at may magsusuot ng kanyang mga heels at sandals.

Image Credit via Instagram

Ang walk-in closet ni Cheska ay hindi lang maganda, napagkakamalan mo rin itong boutique sa sobrang lawak nito at sa dami ng nakadisplay na nagagandahan niyang mga gamit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *