Tingnan Ang Masaya At Masaganang Pamilya Ni Ethel Booba

Kilala ng publiko si Ethel Booba bilang isa sa mga mahuhusay at nakakaaliw na komedyante sa mundo ng showbiz. Ang kanyang mga quotable quotes at tirada ay talaga namang nakapagbibigay kasiyahan sa kahit sinomang makakarinig nito.




Hindi naman naging lihim sa publiko na kahit madalas na nagpapatawa at nagbibigay saya si Ethel sa marami niyang mga tagahanga at mga manonood, ay mayroon ding mga panahon sa buhay ng komedyante na siya naman ang nangangailangan ng taong magbibigay kasiyahan sa kanyang buhay, lalo na nga’t ilang beses na rin siyang nasawi sa kanyang buhay pag-ibig.

Image Credit via Google

Hiling nga ng maraming mga tagahanga ni Ethel ay ang dumating na sa buhay ng komedyante ang lalaking magbibigay kasiyahan sa buhay pag-ibig nito at tutupad sa pangarap nito na magkaroon ng kanyang sariling pamilya.

Image Credit via Google

At ngayon ng ay tila nabigyan na ng katuparan ang mga bagay na noon ay pinapangarap lamang ni Ethel sa kanyang buhaym sapagkat ngayon ay masaya ang kanyang puso sa piling ng kanyang partner na isang chef, ito nga ay si Jessie Salazar.

Image Credit via Google

Lalo pa ngang naging makulay at puno ng saya ang buhay ni Ethel at ng partner niyang si Jessie ng mabiyayaan sila ng isang magandang sanggol na babae na kung tawagin nga ni Ethel ay ang kanyang “little booba” na si Baby Michaela Salazar.

Image Credit via Google

Madalas na ibinabahagi nina Ethel at Jessie ang mga cute na larawan ng kanilang baby girl sa mismong Instagram account nito na kanila ngang ginawa. At makikita nga sa IG ni baby Mickaela na isa itong napakabibong bata.

Image Credit via Google

Base pa nga sa ilang mga larawan na makikita sa IG ni baby Michaela ay madalas ang mga moments together niya kasama ang kanyang mga magulang na kitang-kita naman na talagang mahal na mahal siya. Makikita rin s amga comment section na hindi lamang ang kanyang mga magulang na sina Ethel at Jessie ang naaliw sa kanya, dahil mga netizens nga ay kinagigiliwan rin ang kanyang kakyutan at kabibohan.

Narito nga ang ilan sa mga komento ng mga netizens na talagang hindi matago ang pagka-giliw kay baby Michaela. “Morning baby girl. Keep safe always together with your mom and dad.” “beautiful angel good morning, why so cute baby girl.” “Hello baby your so cute and adorable… God bless”




“Hi good morning cute cutie smart Michaela… Have a Blessed happy beautiful day to you and to your beautigul family. Take care and stay safe.. GOD Bless much.. We Love you..”
“Beautiful baby… God bless you always.” Napakasaya nga naman talaga ngayon ng buhay ni Ethel dahil ang pangarap niyang masayang pamilya ay natupad na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *