Tingnan Ang Masayang Beach Getaway Sa Cebu Ng Pamilya Ni Baron Geisler

Isa naman talaga sa nagbibigay kasiyahan sa buhay ng tao ay ang pagkakaroon ng isang masaya at buong pamilya, kung kaya naman lahat ng bagay na alam nating makapagpapasaya sa ating mga kapamilya ay ginagawa natin sa abot ng ating makakaya.




Batid rin natin na hindi man matanggap ng maraming tao ang mali sa ating pagkatao, ay ang pamilya naman natin ang magiging kaagpay natin para sa ating magiging pagbabago, lalo na kung puno ng pagmamahal at suporta ang ipinapadama ng ating mga kapamilya sa atin.

Photo Credit: baron.geisler/Instagram

Kagaya na nga lamang nito ay ang aktor na si Baron Geisler, na ngayon nga ay madalas na nagbabahagi ng mga larawan niya kasama ang kanyang binuong pamilya.

Photo Credit: baron.geisler/Instagram

Kamakailan nga lang ay masayang ibinahagi ni Baron sa kanyang social media ang mga larawan nila ng kanyang pamilya, kung saan ay makikita nga kung gaano sila kasaya at punong puno ng pagmamahal.

Photo Credit: baron.geisler/Instagram

Ayon sa aktor, ang naging bonding moments nila na ito ng kanyang pamilya ay talagang sinulit niya lalo na nga’t matatapos na ang kanilang pagbabakasyon dahil sila ay magbabalik Maynila na.

Photo Credit: baron.geisler/Instagram

Ibinahagi din ni Baron na ang magandang lugar na kanilang pinuntahan sa Cebu ay ang Ravenala Beach Bungalows. Kapansin-pansin din sa mga larawan na ibinahagi ni Baron kung gaano siya kasaya, lalo na’t kapiling niya ang kanyang mag-ina.

Photo Credit: baron.geisler/Instagram

Ikinatuwa naman ng mga netizens na makita ang mga larawan ni Baron na masaya at tila payapang namumuhay kasama ang pamilya na kanyang binuo.

Photo Credit: baron.geisler/Instagram

Umani nga ang post niyang ito ng napakaraming mga positibong reaksyon mula sa mga netizens at ang iba pa nga sa mga ito ay nagbigay pa ng mga komento na nagsasabi kung gaano sila nasisiyahan para sa aktor. Ang iba pa ngang netizens ay ipinagdasal ang patuloy na kalusugan ng pamilya ni Baron.




Ang aktor na si Baron Geisler o sa tunay na buhay nga ay si Baron Frederick Von Geisler ay isinilang noong ika-5 ng Hunyo taong 1982 sa probinsiya ng Bicol. Nagsimula siyang makilala sa mundo ng telebisyon nung siya ay labing dalawang taong gulang pa lamang , ng mapabilang siya sa “Ang TV” noong taong 1994.

Dahil sa kanyang husay sa pagiging isang aktor, ay marami pa ngang mga proyekto at programa na kinabilangan ang aktor. Samantala, maliban sa pagiging isang artista sa mundo ng showbiz ay kilala din si Baron bilang isang resource speaker at negosyante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *