Tingnan Ang Masayang Bonding Moments Ng Mag-Inang Rochelle Pangilinan At Si Baby Shiloh Jayne

Happily married na ngayon ang mahusay na dancer at ngayon ay isa na ring aktres na si Rochelle Pangilinan sa kanyang asawang si Arthur Solinap, na kilala rin bilang isang Kapuso actor.




Ikinasal noong ika-8 ng Agosto taong 2017 sa Tagaytay City sina Rochelle at Arthur. Ngunit bago pa nga mauwi ang lahat sa sumpaan ng pagmamahalan at kasalan , ay halos pitong taon unang naging magkasintahan ang dalawa.

Photo Credit: ochellepangilinan/Instagram

Matapos ang kanilang naging pag-iisang dibdib, hindi naman nagtagal ay natanggap na nila ang isang pinaka malaking biyaya sa buhay mag-asawa, at ito nga ay ang pagkakaroon ng anak, at ito nga ay ang kanilang baby girl ngayon na si Shiloh Jayne.

Photo Credit: ochellepangilinan/Instagram

Ika-24 ng Pebrero taong 2019 ng isinilang ni Rochelle si baby Shiloh, at mula nga sa pagiging isang kyut na kyut na munting sanggol, ay isa na itong nakaka-aliw sa kakyutan na toddler.

Photo Credit: ochellepangilinan/Instagram

Madalas ngang nagbabahagi si Rochelle Pangilinan sa kanyang IG account ng mga larawan ng kanyang anak, at ang iba pa nga sa mga ito ay mga video at pictures ng kanilang masayang bonding mag-ina o di kaya ay nilang buong pamilya.

Photo Credit: ochellepangilinan/Instagram

Sa ngayon ay si Rochelle ang nagbabantay kay baby Shiloh, dahil abala ang kanyang mister na si Arthur sa trabaho nito. kaya naman habang hindi pa abala si Rochelle, ay inilaan niya muna ang kanyang bawat oras na inaalagaan at maka-bonding ang anak niyang si Shiloh Jayne.

Photo Credit: ochellepangilinan/Instagram

Nakikita naman sa mga larawan na ibinahagi ng dancer-actress na tula ang oras ng kain ni Shiloh ang isa sa mga paboritong bonding nilang mag-ina. Dahil kitang kita kung gaano nila ine-enjoy dalawa ang oras na ito, lalo pa nga’t madalas silang magpalitan ng matamis na halik sa isa’t isa.

Photo Credit: ochellepangilinan/Instagram

“Kapag nasa trabaho ang Daddy ni Shiloh Chance ko na din ito hanggat bata pa at pumapayag pang magpa-kiss! @arthursolinap”

Photo Credit: ochellepangilinan/Instagram

Maliban nga sa bonding moments na ito ng mag-ina, ay mayroon ring makikitang video sa IG ni Rochelle, kung saan naman ay masisilayan ang pagkukulang bilang mag pamilya [Arthur, Rochelle, Shiloh].

Si Arthur ay panay ang ngiti dahil sa kagalingan ng kanyang anak, na panay ang kiss sa kanya, habang si Rochelle naman ay nagpaparinig na sana’y siya rin ay bigyan ng kiss ni Shiloh.




Tila napakalambing ngang bata ni Shiloh, dahil sa lagi nitong binibigyan ng ‘kiss’ ang kanyang mga magulang.

Napakasaya ng pagmasdan ng pamilya ni Rochelle at Arthur, lalo pa’t naging mas makulay nga ito ng dumating sa kanilang buhay ang anak niyang si Shiloh Jane.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *