Tingnan Ang Masayang Kaganapan Sa Baby Shower At Gender Reveal Ng Soon-To-Be-Parents Na Sina Zeinab Harake At Skusta Clee

Sina Zeinab Harake at Skusta Clee, ay kilala bilang mga Social Media Stars, na talaga namang marami ang mga sumusubaybay sa kanil-kanilang mga buhay. At dahil nga sa kanilang kasikatan, ay batid ng marami nilang mga taghanga, ang kanilang relasyong dalawa, kung saan ay marami rin ang nakaka-alam na on-and-off sila.




Sa huling naging paghihiwalay nga ng dalawa, ay inakala ng marami na ang mga ito’y hindi na muling magkakabalikan pa, ngunit laking gulat ng marami ng ibunyag ni Zeinab sa kanyang birthday vlog ang isang malaking rebelasyon patungkol sa relasyon nil ani Skusta.

Image Credit via YouTube

Isinapubliko nga ni Zeinab sa naging birthday vlog niya, na siya ay buntis na, at ang ama nga nito ay ay Skusta Clee. Sa naging pagbubunyag ngang ito si Zeinab, ay iba’t iba ang mga naging reaksyon at komento ng mga netizens.

Image Credit via YouTube

Sa kabila nga ng kaliwa’t kanang mga pambabatikos na natanggap nina Zeinab at Skusta, ay marami pa rin naman sa kanilang mga taganga ang naging masaya para sa dalawa, dahil isang biyaya nga naman ang sanggol na ngayon ay nasa sinapupunan ni Zeinab.

Image Credit via YouTube

Samantala, nito nga lamang nakaraan, ay isang baby shower at gender reveal ang naganap, kung saan ay masayang ipinabatid ng magkasintahan sa lahat kung ano nga ba ang magiging kasarian ng kanilang baby.

Image Credit via YouTube

Ayon nga sa naging ulat, sa Subic ginanap ang nasabing okasyon, kung saan ay ilang mga malalapit na kaibigan ng dalawa ang dumalo dito, kabilang na nga sina Jolai, Team Zebby, Loisa, Donnalyn, at iba pa nga nilang mga kaibigan.

Image Credit via YouTube

Tila nga naging isang mini concert ang naging kaganapan a nasabing okasyon, ito ay matapos maghandog ni Skusta ng special number kasama ang kanyang mga kaibigan.

Image Credit via YouTube

Kitang-kita naman sa mga ngiti ng soon-to-be-mommy na si Zeinab, ang kanyang kasiyahan. Mas lalo pa ngang lumabas ang angking ganda ni Zeinab, sa kanyang suot na long white dress, kung saan ay tila siya isang napakagandang diwata kahit pa nga ba halata na rin ang umbok ng kanyang lumalaking tiyan dahil sa sanggol sa sinapupunan nito.

Image Credit via YouTube

Video Credit: Zeinab Harake/YouTube

Isa nga sa mga pinaka-aabangan ng lahat ay ang magiging gender reveal, sa kung ano ang magiging kasarian ng anak nina Zeinab at Skuta, ngunit ng hahatiin na ang cake, ay nabitin ang mga nag-aabang, dahil ito umano ay saka pa nila ilalabas sa susunod niyang vlog.

Image Credit via YouTube




Excited nga naman ang maraming tagahanga nina Zeinab at Skuta malaman kung ano ang magiging baby ng dalawa. Kayo? Ano ang hula niyo sa magiging baby ng magkasintahan? Baby girl nga ba o baby boy? Kung ano man, sana ay maging malusog ito.

Image Credit via YouTube

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *