Tingnan Ang Masayang Pagdiriwang Ng 20th Anniversary Ng Mag-asawang Suzi Entrata At Paolo Abrera

Tuwing umaga ay parte na ng buhay ng isang Pinoy ang kasabay ng pagkakape o almusal ay ang makinig at manood ng mga pang-umagang balita na hatid sa atin ng iba’t ibang news program sa telebisyon kung saan isa na nga sa mga paboritong abangan ng maraming mga manonood ay ang Unang Hirit sa GMA-7.




At isa nga sa mga mahuhusay na tagapaghatid balita at nagbibigay chika sa atin tuwing umaga na host ng Unang Hirit ay si Suzi Entrata-Abrera.

Photo Credit: mars_suzi/Instagram

Samantala, maliban sa pagiging matagumpay ni Suzi sa kanyang karera bilang isang TV host ay masaya rin ang kanyang personal na buhay, lalo na nga ang kanyang buhay pag-ibig at may pamilya sa piling ng kanyang asawang si Paolo Abrera.

Photo Credit: mars_suzi/Instagram

Masasabi nga natin na matibay at masaya ang pagsasama ng mag-asawa dahil sa sila ay mahigit 20-taon ng nagsasama, at sa katunayan nga ay nito lamang nakaraan ay ipinagdiwang na nila ang kanilang 20th wedding anniversary.

Photo Credit: mars_suzi/Instagram

Kamakailan nga lamang sa Instagram ng programang Unang Hirit ay nagbahagi ito ng pagbati nila sa mag-asawang Suzi at Paolo. “Happy 20 years of marriage, Suzi and Paolo”, ang naging pagbati nga ng Unang Hirit.

Photo Credit: mars_suzi/Instagram

Si Suzi naman ay nagbahagi rin ng kanyang saloobin patungkol sa kanilang pagdiriwang ng 20th anniversary ng kanyang asawa.

Photo Credit: mars_suzi/Instagram

“We would have been on trip (for sure) to celebrate our 20 th anniversary. But alas! No worries though. If there’s one thing this [email protected] taught me is that if I was gonna get stuck with anyone, I’d always want to be stuck with you [red heart emoji]”, ang naging saad ni Suzi.




Tunay ngang ang pagmamahalan na pinagtibay na ng matagal na panahon ay nakakabilib kagaya na nga lamang ng relasyon ng mag-asawa. At dahil sa tagal na nga nila at patuloy na pagiging matamis ng kanilang pagsasama ay mapapa-sana all na nga lamang ang iba.

Katulad naman ng ibang buhay mag-asawa ay hindi rin naman perpekto ang relasyon ni Suzi at asawa niyang si Paolo sa kanilang relasyon dahil may mga pagsubok at mga hamon din silang hinarap sa kanilang pagsasama ngunit ang mahalaga dito ay sa loob ng 20-taon ay napanatili nilang matatag ang kanilang pagmamahalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *