Tingnan Ang Masayang Pamilya Ng Mag Asawang Rochelle Pangilinan At Arthur Solinap

Ang mag-asawang Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap ay kabilang sa mga celebrity couple na loyal sa pagiging isa nilang Kapuso. Si Rochelle Pangilinan ay unang nakilala at sumikat sa telebisyon bilang miyembro ng sikat na girl dance group noon na ‘Sex Bomb Girls’ ng Eat Bulaga, samantalang ang asawa naman nitong si Arthur ay napapanood pa rin natin hanggang ngayon sa isa sa mga palabas ng GMA na ‘Pepito Manaloto’ na pinagbibidahan ng komedyanteng si Michael V.




Matatandaan na noong ika-8 ng Agosto taong 2017 ng ikinasal ang mag-asawa, at ang kanila ngang naging honeymoon ay naganap sa bansang Europe. Kabilang nga sa mga naging ninong nila sa kanilang kasal ay ang mga batikang host, aktor at komedyante sa telebisyon ng GMA-7 na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.

Image Credit via Instagram

Dalawang taon matapos nga ang naging kasal nina Rochelle at Arthur ay nabiyayaan sila ng munting anghel, at ito nga ay ang kanilang panganay na anak na isang baby girl na pinangalanan nilang si Shiloh Jane. Isinilang ni Rochelle Pangilinan si Shiloh Jane noong ika-24 ng Pebrero taong 2019 sa The Medical City Taguig.

Image Credit via Instagram

Sa ngayon nga ay dalawang taong gulang na ang panganay na anak ng mag-asawa.
Madalas ngang makikita sa social media account ni Rochelle Pangilinan ang kanyang pagbabahagi ng mga bonding moments nila ng kanyang anak na si Shiloh, o di kaya naman ay ang masasayang sandali nilang mag-anak.

Image Credit via Instagram

Noon nga ay may nag-viral pang video post si Rochelle sa kanyang Facebook kung saan ay makikita ngang enjoy na enjoy siyang kinakantahan ng awiting “Can’t Take My Eyes Of You” ang kanyang baby girl. Ayon nga kay Rochelle, isa sa mga paboritong bonding nila ng kanyang baby girl ay ang kumanta.

Image Credit via Instagram

Para rin sa orihinal na miyembro ng Sexbomb, ay ang kanyang mag-ama na sina Arthur at Shiloh ang pinaka ‘best’ na regalo na kanyang natanggap sa kanyang kaarawan, na talagang ipinagpapasalamat niya sa Maykapal.

Image Credit via Instagram




Isa nga si Rochelle Pangilinan sa mga pinaka-mahuhusay na miyembro ng orihinal na Sexbomb Girls, at ngayon nga maliban sa pagsasayaw at umarangkada na rin siya sa pag-arte, kung saan ay napapanood na siya sa ilang mga Kapuso serye.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *