Tingnan Ang Matagumpay Na Buhay Ngayon Sa Amerika Ng Dating Sikat Na Child Star Na Si Serena Dalrymple

Marami sa mga sikat na child star noong dekada 90 ang bagama’t maganda ang naging takbo ng karera dahil sa tinatamasang kasikatan, ay kalaunan ay mas pinili pa rin sa bandang huli na iwan ang kanilang karera upang bigyang prayoridad ang kanilang pag-aaral, at tahakin ang ibang landas sa labas ng mundo ng showbiz.




At isa na nga sa mga ito ay ang dating sikat na child star noong dekada 90 na si Serena Dairymple.
Marahil ay marami pa rin sa atin ang hindi nakakalimot sa kanya, dahil sa talaga namang isa siya sa mga makulit ngunit bibong bata na nagbigay aliw sa maraming mga manonood sa kanyang mga nagawang pelikula.

Photo Credit: sdalrymple/Instagram

Ilan nga sa mga pelikula niya na hindi basta-basta makakalimutan at tumatak sa maraming mga manonood ay ang “Bata Bata Paano Ka Ginawa?”, kung saan ay ipinamalas niya ang kanyang husay bilang isang magaling na batang aktres.

Photo Credit: sdalrymple/Instagram

Maliban pa sa mga pelikula, ay nagkaroon rin siya ng mga komerysal, at ang pinaka naging paborito nga ng mga kabataan noon ay ang naging komersyal niya sa sikat na food chain, kung saan ay kanyang binabanggit ang salitang “Isa pang chicken joy”.

Photo Credit: sdalrymple/Instagram

Samantala, sa kabila nga ng kanyang tinatamasang kasikatan noon ay pinili ni Serena na iwan ang kanyang karera, upang mas bigyang prayoridad ang pag-aaral. At sa kabila nga na ngayon ay hindi na siya napapanood pa sa telebisyon, ay matagumpay naman niyang tinahak ang ibang karera sa kanyang buhay.

Photo Credit: sdalrymple/Instagram

Sa ngayon nga ay naniniraha na sa bansang Amerika ang dating child star na si Serena Dairymple. At tila naman sa kahit anong karera na kanyang tahakin sa buhay ay nagiging matagumpay siya. Dahil bagamat hindi na siya artista, ay napakaganda naman ng kanyang karera ngayon sa Amerika.

Photo Credit: sdalrymple/Instagram

entertainment content company’ sa Big Apple. Nagsumikap si Serena sa kanyang trabaho kung kaya’t noong 2016 ay na-promote kaagad siya sa kanyang posisyon. Base naman sa mga naging ulat, ang kumpanyang pinagtatrabahuan ni Serena ay pang-anim sa pinakamalaking broadcasting ang cable company sa buong mundo.

Photo Credit: sdalrymple/Instagram

Maliban sa Comcast, The Walt Disney Company, Time Warner, and CBS Corporation ngunit nangunguna naman sa 21st Century Fox. Maliban naman sa kanyang magandang karera ngayon sa Amerika, ay masaya at makulay din ang buhay pag-ibig ngayon ng dating childstar na isa nan gang napakagandang dalaga ngayon.




Sa mga larawan nga ni Serena sa kanyang Instagram account ay makikita na siya ay in-a relationship na sa kanyang gwapong foreigner boyfriend. Kahit nga iniwan ni Serena ang kasikatan sa mundo ng showbiz, ay makikita naman sa buhay nito ngayon na wala itong dapat pagsisihan sa kanyang naging desisyon, dahil masaya, maganda at matagumpay ang buhay na tinatamasa niya ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *