Tingnan Ang Mga Cute Na Larawan Ni Baby Luna Ang “Little Beauty Queen” Ni Wynwyn Marquez

Kamakailan lamang ng masayang i-anunsyo ng beauty queen-actress na si Wynwyn Marquez ang kanyang ligtas na pagsilang sa panganay na anak niya, kung saan ito ay isa ngang malusog na baby girl na biniyayaan niya ng napakagandang pangalan na Luna Teresita Rayn.




Magmula nga ng isilang ni Wynwyn ang napaka-cute niyang baby girl, ay kinagiliwan na rin nga ng new celebrity mom na magbahagi ng mga larawan ng kanyang anak sa social media account niya. At ang pinaka-latest na ibinahagi nga ni Wynwyn na larawan ng kanyang anak sa social media, ay ang napaka-cute at adorable photo nito habang natutulog na nakakumot ng green blanket at may suot nga sa kanyang ulo na crocheted crown.

Photo Credit: teresitassen/Instagram

Sa larawan nga na ito ni Baby Luna, ay marami ang nagsabi na kahawig niya ang kanyang inang si Wynwyn, lalo na nga ng ito ay makoronahan noon bilang Reina Hispanoamericana pageant noong taong 2017 kung saan isang emerald green gown ang kanyang suot ng ipuputong na nga sa kanya ang korona.

Photo Credit: teresitassen/Instagram

“My little princess, mama will be right here watching you conquer and change the world someday.”“Yep, Luna is taking over my IG”, ang naging saad ni Wynwyn sa kanyang IG post.
Samantala, nito nga lamang nakaraan ay ibinahagi ni Wynwyn sa kanyang social media account ang kauna-unahang photoshoot ng kanyang cute baby girl na si Luna at ang isang behind-the-scene- vlog.

Photo Credit: teresitassen/Instagram

Makikita sa mga ibinahaging larawan ng celebrity mom ang napaka-cute niyang baby girl, na kahit nga new born pa lamang ito ay masasabi na ngang namama nito ang kagandahan at karisma ng kanyang ina. Sa ilan pa ngang larawan ay masisilayan din kung gaano ka-proud si Wynwyn sa pagiging isa na niyang ina ngayon.

Photo Credit: teresitassen/Instagram

Ibinahagi naman ng beauty queen at ngayon ay celebrity mom na ngang si Wynwyn sa kanyang vlog ang naging kaganapan sa first photoshoot ng anak niyang si Baby Luna, at kitang-kita nga sa video kung gaano gaano ka-hands on si Wynwyn sa pagiging abala sa pag-aayos nga ng kanyang baby girl upang maging maganda at maayos ang magiging first photoshoot nito.

Photo Credit: teresitassen/Instagram




Matatandaan na isinilang ni Wynwyn ang kanyang anak na si Luna sa unang mga araw ng buwan ng Mayo. Maliban pa dito ay ibinahagi rin ng ama niyang si Joey Marquez na ang kanya ngang anak na si Wynwyn ay engaged na sa non-showbiz partner nito, na siya rin umanong childhood sweetheart ng beauty queen-actress.

Photo Credit: teresitassen/Instagram

Leave a Reply

Your email address will not be published.