Tingnan Ang Mga Larawan Ng Aktres Na Si Ashley Ortega Na Nagpapakita Ng Kanyang Enviable Legs

Isa sa mga mahuhusay na Kapuso actress na hinahangaan ngayon sa mundo ng telebisyon ay si Ashleigh Margueretthe Krystalle Nordstorm Samson o mas nakilala nga ng publiko sa kanyang screen name na Ashley Ortega.




Maliban nga sa kanyang ipinapamalas na husay sa pag-arte, ay hinahangaan din ng marami kay Ashley ang taglay niyang katangkaran, kung saan siya nga ay may tangkad na 5 feet at 6-inches. Dahil nga sa taglay niyang long legs ay marami ang nagsasabi na perfect naman talagang pang beauty queen o pang modelo ang Kapuso actress.

Photo Credit: ashleyortega/Instagram

Ngunit alam niyo ba na bago pa man nga pinasok ni Ashley ang pag-aartista ay nauna muna siyang naging isang modelo, at bago pa ito ay ginamit din niya ang kanyang incredible legs sa pag-figure skating, kung saan 5-taong gulang pa lang umano siya ng simulan niya ang pagsali sa mga kumpetisyon ng skating.

Photo Credit: ashleyortega/Instagram

Ilan nga sa mga bansa na lumaban ng kumpetisyon ng skating si Ashley ay sa Thailand, China at Malaysia, at ayon nga sa Kapuso actress ay nagawa niyang makapag-uwi ng ilang mga medalya.

Photo Credit: ashleyortega/Instagram

Kamakailan nga lamang ay naging panauhin sa programang “Tunay na Buhay” ng GNA-7 si Ashley at dito ay kanya ngang ibinahagi ang mga karanasan niya noong siya ay lumahok sa kumpetisyon ng skating.

Photo Credit: ashleyortega/Instagram

“Sa Malaysia, nakauwi po ako ng eight gold medals. All in all, I joined 11 events. Nakauwi po ako ng eight gold medals, dalawang silver saka isang bronze. Ako po ‘yung Filipina na pinakamaraming nauwig gold medals”, saad ng Kapuso actress.

Photo Credit: ashleyortega/Instagram

Sa kabila ng kanyang tagumpay sa karera sa skating, ay pinili nga ni Ashley na itigil ito dahil sa kagustuhan niyang magpokus sa kanyang pag-aaral at sa kanyang showbiz carer.
“I stopped figure skating kasi nag-focus ako sa studies ko and sa showbiz. If magko-compete naman ako this year, kailangan kasi everyday training. Mahihirapan ako.

Siyempre I’m focusing more on my career, so siguro I’m gonna buy skates. Pero [kung sasali sa] competition, siguro mahirap. Kailangan talaga kung sasali ka ng competition kailangang doon lang ang atensyon mo,” saad pa ni Ashley.

Ibinahagi naman ni Ashley na ang sports na skating ay talaga namang napaka-expensive, ito ay dahil sa tuwing may training ay kailangan na sa ibang bansa ito gawin para maging advanced at ang kinakailangan din nga umano na coaches dito ay nasa apat o lima.

“Actually, ang skating kasi is a very expensive sport kasi kailangan talagang hindi lang isa [ang] coach mo. Kailangan four or five coaches and then sometimes you have to train sa ibang country para mas advanced. Dito sa Philippines, dalawa lang ang skating rink natin dito. Kailangang mas advance and kailangan ‘yung even the gears, ‘yung skate shoes, mahal,” saad pa ni Ashley.

Pag-amin din ng Kapuso actress, isa sa mga dahilan kung bakit siya huminto sa pag-skating dahil sa pagiging expensive nito, kung saan milyon-milyon nga ang nagagastos.
“One of the problems din that’s why I stopped kasi, it was so expensive.




Milyon-milyon nagastos. Kasi siyempre ‘pag mananalo ka, medal [lang] ibibigay sa ‘yo. Hindi talaga tumutulong [ang government],” aniya pa.Samantala, sa ilang mga larawan naman ni Ashley ay makikita naman talaga kung gaano kaganda ang long legs ng aktres.

Leave a Reply

Your email address will not be published.