Tingnan ang Mga Larawan Ni Bea Alonzo Na Nagpapakita Ng Kanyang Naging Transpormasyon

Si Bea Alonzo ay isa sa mga popular at mahuhusay na aktres sa industriya ng showbiz. Hindi nga lamang ang kanyang taglay na husay at galing sa pagiging isang artista ang hinahangaan sa kanya ng marami niyang mga tagahanga at pagsuporta, kundi maging ang taglay niyang kagandahan na talaga namang kabigha-bighani.




Marahil ay marami sa umiidolo kay Bea noon ang talaga namang nasundan ang buong karera niya, mula pa noong siya’y mag-umpisa p sa pag-aartista hanggang ngayon nga na kilala na siya bilang isa sa pinaka matangkad na bituin sa showbiz ng kanyang henerasyon.

Image Credit via Google

Maraming beses na ngang pinatunayan ng aktres, kung gaano siya kahusay bilang isang artista, lalo pa’t napakarami na rin niyang mga proyekto ang ating nasaksihan, kung saan tayo ay kanyang pinakilig at napaluha dahil sa mga karakter na kanyang ginampanan.

Image Credit via Google

Para naman sa kaalaman nating lahat, si Bea Alonzo ay nagsimula sa kanyang showbiz career noong siya ay 15-taong gulang pa lamang. At ang una nga niyang naging proyekto ay ng mapabilang siya sa teen-oriented series noon na K2BU.

Image Credit via Google

Sa K2BU nga unang nasilayan ng publiko ang ‘unmistaken beauty’ ng aktres, at magmula nga noon ay nasubaybayan na natin ang naging pag-bloom ni Bea Alonzo sa industriya, hanggang sa siya nga ay maging isa sa mga aktres na itinuturing na may pinakamagandang mukha sa showbiz.

Image Credit via Google

Matatandaan naman na noong nakaraang taon ay nagkaroon ng panayam si Bea Alonzo sa Jeepney TV Showbiz Pa More, kung saan ay dito nga inilahad ng aktres na bata pa lamang siya ay talaga namang pangarap na niya ang makita ang kanyang sarili sa telebisyon.

Image Credit via Google

Sa katunayan ay mahilig pa nga siyang magpa-picture noong siya ay bata pa, at ini-imagine nga niya na kabilang siya sa popular na classic youth-oriented program noon ng ABS-CBN na “Ang TV.”

Image Credit via Google

Ibinahagi rin ni Bea sa nasabing panayam, na ang sikat at popular na childs star pa lamang noon na si Camille Prats ang iniidolo niya at hinahangaan. Samantala, lingid sa kaalaman natin, sa kabila pala ng taglay a kagandahan ng aktres na si Bea Alonzo, ay mayroon rin pala itong pinagdaanang insecurities.

Image Credit via Google

Noon ngang nakaraang taon, ng maging guest si Bea sa programa ni Tito Boy na “Tonights With Boy Abunda”, kung saan ay kasama niya rin ang kanyang co-host sa ginawa niyang pelikula noon na Earie na si Ms. Charo Santos – Concio ay ibinahagi ng aktres ang kanyang pinagdaanang insecurities at kung paano niya ito na-overcome.

Image Credit via Google

Nagsimula ngang mabuksan ang usapin nina Tito Boy at Bea tungkol sa insecurities ng aktres, ng buksan ni Tito Boy ang usapin tungkol sa bikini photo ng aktres, na kanyang ngang ibinahagi noon sa kanyang IG account.

Kwento nga ng aktres kay Tito Boy, ilang beses niyang pinag-isipan kung ipo-post nga ba niya ang naturang larawan, at ilang beses niya ring tinanong ang kapatid niya kung maganda ba ang larawan na kanyang ipo-post.

“Siguro mga 100 times ko tinanong ang brother ko, ‘Maganda ba? Maganda ba? And I thought, ‘Oh my God, di pa pala ako free sa pakiramdam na ito? Akala ko at my age nakalaya na ko ‘don sa insecurities na ‘yon. And then naisip ko, process nga pala ito”, ani Bea.

Dagdag na saad pa ng aktres, nagbigay ng inspirasyon at motibasyon sa kanya na tungkol sa “body positivity” ang simpleng post niyang iyon ng kanyang larawan.

“You have to constantly remind yourself na you are beautiful, na you are enough. And so naisip ko, siguro dapat i-post ko ‘to, to remind people that they are enough, that they are beautiful no matter kung ano ang hitsura ng katawan nila. Kahit medyo mataba ka, payat ka,




you are beautiful so nae-empower ako doon sa post na ‘yon. Sana na-inspire ang mga tao.”
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pamamayagpag ng karera ni Bea Alonzo sa showbiz, at isa nga siya sa mga pinaka popular at hinahangaang actress.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *