Tingnan Ang Mga Litrato Na Kuha Sa Lumubog Na Barkong Titanic

Taong 1997 nung sumikat ang palabas na Titanic na pinagbibidahan ng aktor na si Leonardo DiCaprio at aktres na si Kate Winslet. Ang kwento ng pelikula ay tungkol sa pag-iibigan ng dalawang taong nagmula sa magkaibang estado sa buhay. Ngunit maliban sa kanilang pagmamahalan, isa sa mga intensyon ng pelikulang ito ay ang isabuhay muli ang totoong istorya at ang sinapit ng pinakamalaking barko noong panahon nito.


Image Courtesy from Google

 




Isa rin ito sa mga may pinakamalaking trahedyang naitala sa kasaysayan. Kaya naman, naging laman ito ng mga dyaryo sa buong mundo. Narito ang sampu sa mga nakakamangha at nakakagulat na mga bagay na maaaring hindi mo alam tungkol sa pamosong barko.


Image Courtesy from Google

1. Dahil sa pag-aakalang walang makakapag-palubog sa barko. Mayroon lamang itong 20 mga bangka at 64 katao lamang ang kasya dito,


Image Courtesy from Google

2. Dalawang oras na na palutang-lutang at lumangoy ang pasaherong si Chalres Joughlin sa malamig na karagatan bago ito maliligtas. Marami ang nagtaka kung bakit nabuhay pa siya, ngunit may mga nagsabing maaaring dahil dami ng nainom nitong alak kung bakit kinaya niya ang lamig ng karagatan.


Image Courtesy from Google

3. Dahil sa laki ng Titanic, 2 oras at 45 minuto ang tinatagal nito bago tuluyang pumailalim sa karagatan.


Image Courtesy from Google

4. Hindi rin naging magandang biyahe ito para sa mga bagong kasal. Sa katunayan, 13 bagong kasal ang naitalang nakasakay sa Titanic nang ito’y lumubog.


Image Courtesy from Google

5. 14 taon bago lumayag at lumubog ang Titanic, isang libro ang ambag at sinulat ng isang manunulat na si Morgan Robertson. Ang nakakamangha rito, ang librong ito ay tungkol sa isang barko ng inakala ng maraming tao na hindi kayang lumubog. Maliban pa rito, kasama rin sa kwento na walang sapat na bangka ang barko kung kaya’t marami rin ang binawian ng buhay rito nang ito’y bumangga sa yelo.


Image Courtesy from Google

6. Kung ating maalalahanin, makikita sa pelikula ang grupo ng mga taong tumutugtog ng instrumento habang palubog na ang barko. Sa una ay aakalain natin sa pelikula lamang ito ngunit sa katunayan, nangyari ito sa tunay na buhay. Ginawa nila ito para hindi panghinaan ng loob ang mga pasahero.


Image Courtesy from Google

7. Noong araw na lumubog ang Titanic, dapat raw ay magkakaroon ng lifeboat drill sa barko ngunit kinansela raw ito ng kapitan ng barko.


Image Courtesy from Google

8. 15 ang compartment ng Titanic, ito ang isa sa mga dahilan kung bakit pinaniniwalaan hindi ito mailulubog ng kahit ano. Ang bawat compartment ng barko ay watertight. Ngunit ang dahilan ng paglubog nito ay dahil isa sa mga compartment ay napuno na ng tubig naging dahilan upang hilahin nito ang barko sa ilalim ng dagat.


Image Courtesy from Google

9. Maliban kina Jack at Rose, nakakamangha rin ang kwento ng magkasintahan sina Ida at Isador. Patakaran ng barko na kailangan paunahin ang mga kababaihan at mga bata sa bangka. Kaya naman hindi pwedeng sumakay agad si Isador sa bangka na naging dahilan para manatili rin si Ida sa barko para samahan ang kanyang asawa ng 14 taon kung saan sabay silang binawian ng buhay. Kasabay ng paglubog ng barko ay ang paglubog ng kanilang pag-iibigan.


Image Courtesy from Google

10. Gaano ba kalaki ang Titanic? Isipin mo na lang na kayang nitong pagkasyahin ang dalawat kalahating football fields.
Namangha ka ba sa Titanic? Comment ka lang sa ilalim.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *