Tingnan Ang Mga Makukulay Na Designer Bag Collections Ng TV Host-Actress Na Si Carmina Villaroel

Kamakailan lamang ay ipinasilip ng TV host-actress na si Carmina Villaruel ang kanyang Top 10 favorite bags sa kanyang vlog, at hindi niya inaasahan na ito ay magugustuhan ng kanyang mga subscribers.Kaya naman upang magbigay kasiyahan muli sa kanyang mga subscribers, ay napagpasyahan niya na ipakita na rin sa mga ito ang mga nagagandahan at makukulay niyang Designer Bag Collections.




Noon nga lamang ika-20 ng Marso ay muling nagbahagi ng isang video vlog si Carmina, kung saan ay masaya nga niyang ibinahagi ang koleksyon niya ng mga makukulay na designer bag na ayon sa kanya ang mga ito ay sinimulan niyang kolektahin magmula ng pumasok siya sa mundo ng showbiz.

Image Credit via YouTube

Habang ipinapakita ni Carmina ang kanyang mga bag, ay ikinukwento naman niya kung paano niya nabili ang mga ito. At ayon nga sa TV host-actress ang mga bags niya ay may iba’t ibang kuwento na mahalaga sa kanyang buhay.

Image Credit via YouTube

Dagdag pa niya, kahit napakarami na nito ngayon, ay hindi naman siya talaga bumibili basta-basta ng bag dahil talagang pinag-iisipan niyang mabuti bago niya bilhin ang isang klase ng bag.

Image Credit via YouTube

Para naman kay Carmina ay investment ang kanyang mga bag, dahil sa ganda ng klase ng mga ito at tibay nito ay maari niya itong maibenta. Maaari rin niya ipamana ang mga ito sa kanyang nag-iisang anak na babae na si Cassie, lalo na’t nasa showbiz industry na din ang dalaga.

Image Credit via YouTube

Nabibilang sa mga makukulay na koleksyon ng bag ni Carmina na ang ilan sa mga talagang popular at mamahaling mga bag, kagaya na nga lamang ng Louis Vuitton trunk beauty case, Chanel handbag, Hermes handbag bamboo at pink channel bamboo flap.

Video Credit/ Carmina Villaroel/YouTube

Mayroon din siyang tatlong kulay na Hermes Birkin, na ang mga kulay nga ay white, yellow, blue, at isa rin sa kanyang mga bag ay ang Hermes Lindy Orage at marami pa ngang iba.
Ipinakita naman ni Carmina, ang isang bag na ayon sa kanya ay espesyal dahil ang naturang bag ay mula sa kanyang asawang si Zoren na siya nga nitong naging surprise gift sa kanya.




Chika pa ni Carmina, ang mga bag na kanyang binibili ay ang talagang mga gustong-gusto niya, na kanya ngang nagagamit sa mga okasyon o kung saan mang lugar siya pumunta. Pinagdiinan din ng aktres, na sakto lamang sa kanyang pangangailangan ang mga bag na kanyang binibili.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *