Tingnan Ang Mga Misteryosong Sulat Nakita Ng Isang Babae Sa Kisame Ng Kanilang Bahay

Isang babae ang nakakita ng lumang sulat at larawan sa kisame ng kanilang bahay. Ayon sa naturang babae, ang sulat na ito, sa kanyang tantya ay may halos 50-taon na, ganun rin ang larawan, kaya naman agad siyang nagpatulong sa mga netizens upang mahanap ang lalaking nasa larawan, at masagot ang kanyang katanungan.




Upang makatulong na ma-track o makita ang lalaking nasa larawan, na nagmamay-ari umano ng 50-taon ng sulat, ay isang nagngangalang Gela PS (facebook name), ang sumubok upang makakuha ng suporta sa mga taong nag-internet upang madali ang kanyang paghahanap.

Image Credit via Google

Ayon nga sa kanya, nakita nila ang mga sulat at larawan na ito ng magpa renovate sila ng kanilang tahanan, at hindi nga sila aware o wala silang kamalay-malay na may ganitong love stories pala na nakatago sa tahanan nila.

Image Credit via Google

Makikita nga sa mga larawan, ang ilang mga lumang sulat na talaga namang halatang ilang taon na ring nakatag. Mayroon din itong kalakip na larawan ng isang lalaki at babae, at isang lumang I.D ng lalaki na ang nakalagay na pangalan ay Alfredo Custodio.

Image Credit via Google

Samantala, tila kakaiba nga naman ang ginawang ito ng lalaking nasa larawan, dahil talagang iningatan at tinago niya ang mga ala-ala nila ng taong kanyang minahal.

Image Credit via Google

Habang hinahanap naman ni Gela ang mga sagot sa katanungan, kung sino ang naturang lalaki at kung bakit naroroon ang mga gamit nito sa kisame ng kanilang bahay ay hinikayat naman niya ang ilan niyang mga Facebook companions na sakaling matulungan siya na maibalik ang mga secret stuff na ito ng lalaking nagngangalang Alfredo Custodio.




Malaki nga namang misteryo ang pagkakaroon ng lumang mga sulat sa kisame ng ito sa tahanan ng babaeng nagngangalang Gela PS sa facebook, at hanggang ngayon nga ay hinahanap pa rin nila ang kasagutan kung sino nga ba ang lalaking ito na nagtago ng kanyang mga love letters.

Marami nga naman ang katanungan tungkol sa mga lumang sulat na ito, ngunit ang nakakabilib naman sa pangyayaring ito ay ang naging pagpapahalaga ng lalaking nasa larawan sa mga sulat na kanyang itinago na tula mga alaala sa kanyang naging pag-ibig noon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *