Tingnan Ang Mga Nagagandahang Photos Ni Claire Castro Na Nagpapakita Kung Bakit Tinagurian “Pantasya Ng Bayan”

Kung dekada 90 ay sina Rosana Roces, Joyce Jimenez at Ynez Veneracion ang mga sikat na sexy star dahil sa kanilang taglay na kagandahan at kaseksihan, sa henerasyon ngayon ay si Claire Castro naman ang isa sa mga ‘promising sexy actress’ dahil sa kanyang tantalizing, charming face at attractive figure.




Isa nga sa mga proyekto na kinabilangan ni Claire kung saan ay talagang naipamalas niya ang kanyang kahusayan pagdating sa rawness at sensuality ay sa seryeng ‘Nagbabagang Luha’.

Photo Credit: clairevcastro/Instagram

Samantala, marami naman ang talagang nag-aakala na napakabata pa ni Claire sa kabila ng edad niya ng 23-taong gulang, ito nga ay dahil sa kanyang slim body type at height. Confident naman si Claire sa kanyang kutis, kung saan ito nga ang mas nagpapa-seksi pa sa kanya tingnan lalo.

Photo Credit: clairevcastro/Instagram

Ayon sa ulat, hindi naman kataka-taka na maging ganito kaganda at kaseksi si Claire, dahil ang kanya ngang angking karisma, kagandahan at kaseksihan ay nakuha at namana niya sa kanyang ina, ito nga ay ang dating aktres na si Raven Villanueva.

Photo Credit: clairevcastro/Instagram

Sa ilang mga larawan nga ni Claire ay talagang nakamamangha ang kanyang kagandahan at kaseksihan, lalo na ang larawan niya kung saan siya ay nakasuot ng printed off-shoulder dress kung saan hulmang-hulma ang kanyang napakagandang hugis ng katawan.

Photo Credit: clairevcastro/Instagram

Tila nga kahit sino na makakita kay Claire ay talagang mabibighani, lalo na kapag siya nga ay nagsuot ng mga outfit na talagang nagpapakita ng kanyang taglay na kaseksihan. Sa isang larawan ni Claire kung saan siya ay nakasuot ng swimwear two-piece ay mapapa-wow ka naman talaga.

Photo Credit: clairevcastro/Instagram

Kung bibisitahin naman ang Instagram account ni Claire ay dito nga ay tatambad ang napakarami niyang mga magaganda at napaka-hot na mga larawan. Ang iba nga ay inaakala na siya ay si Ivana Alawi, lalo na’t pagdating sa kaseksihan ay hindi sila nagkakalayong dalawa.




Sa taglay nga ni Claire na kaseksihan, kagandahan at pagiging flawless ay hindi na kataka-taka na siya ay bansagan na “pantsya ng bayan” tulad nga ng vlogger-actress na si Ivana Alawi.

Si Claire Castro, ay ipinanganak noong ika-11 ng Agosto taong 1998 sa Marikina, Kalakhang Maynila. Siya ay kilalang bilang sang aktres, modelo at TikTok star sa Pilipinas. Mas nakilala pa siya ng publiko sa kanyang ginagampanan tauhan bilang si Cielo Narissa Ignacio ang nakababatang antagonistang kapatid ni Maria Theresa “Maita” Ignacio-Montaire na ginagampanan naman ng aktres na si Glaiza de Castro.

Leave a Reply

Your email address will not be published.