Tingnan Ang Mga Nakakamanghang Throwback Photo Ng Aktres Na Si Rosanna Roces Noong Kanyang Kabataan

Isa sa mga sikat at popular na sexy star noon ay si Rosanna Roces o mas kilala nga ng publiko bilang si Osang. Dahil sa kanyang taglay na angking kagandahan ay hindi naman kataka-taka na maraming mga kalalakihan ang talaga namang nahumaling sa kanya.




Hindi nga lamang basta ganda ng mukha ay maipagmamalaki ni Osang, kundi maging ang kanyang napakagandang hubog ng katawan kaya naman isa talaga siya sa mga inaabangan ng maraming mga manonnood noon sa telebisyon man o big screen.

Photo Credit: therealrosannaroces/Instagram

Ilan nga sa mga pelikula na kanyang nagawa kung saan ay ipinamalas niya ang kanyang taglay na husay bilang isang sexy star at pinalitaw ang taglay niyang kagandahan, ay ang 1997 film na “Kahit Pader Gigibain Ko”, 1998 film na “Mapusok”, 1998 film “Curacha”, “Ang Babaeng Walang Pahinga Curacha/Corazon”, “Carino Brutal”, “Ginto’t Pilak” at “Ang Babae sa Bintana”.

Photo Credit: therealrosannaroces/Instagram

Maliban pa nga sa mga ito ay napakarami pang mga pelikula si Osang na talaga namang pumatok sa maraming mga manonood. Samantala, nito nga lamang nakaraan ay ibinahagi ni Rosanna sa kanyang IG ang mga throwback photo niya na nagpapakita ng kanyang napakagandang mukha, na wala pa ring kupas hanggang ngayon.

Photo Credit: therealrosannaroces/Instagram

Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Osang kung gaano nag-uumapaw ang kanyang ganda nung kanyang kabataan, idagdag pa ang napakaputi at napakakinis niyang kutis. At base nga sa mga magagandang larawan ng dating sexy star ay hindi na nga nakapagtataka kung bakit talagang napakarami niyang naging tagahanga noon.

Photo Credit: therealrosannaroces/Instagram

Kalakip ng IG post na ito ni Osang ay ang isinaad niyang caption na;
“Circa97.. right after filming LIGAYA ang itawag mo sa akin. #enhanced #R)poers #oldpic @ms.rosannaroces.”

Photo Credit: therealrosannaroces/Instagram




Tunay ngang kahanga-hanga ang taglay na ganda ni Osang, at maliban pa nga sa kanyang kagandahan ay kinabiliban din sa kanya ng marami ang taglay niyang diretsahang personalidad.

May mga netizens naman na nagbigay ng komento sa throwback photo na ito ni Osang.
“Isa sa mga pinakamagaling na artista sa pelikula at TV. Comedy or drama magaling! Napakanatural magbitaw ng linya.”
“Magaling talaga yan pinapanood ko movies niya dati.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *