Tingnan Ang Mga Napakagandang Naging OOTD Ni Bea Alonzo

Sa unang buwan pa lamang ng bagong taong 2022 ay may entry na agad ng kanyang ‘First OOTD’ ang ngayon ay Kapuso actress ng si Bea Alonzo. Ang unang OOTD nga na ito ng aktres ay tunay na nakaka-fresh tingnan at bagay na bagay sa kanya dahil sa ito ay isang Chic-All White.

Image Credit via Google

Kapansin-pansin naman na sa unang OOTD na ito ng Kapuso actress ay nanatili ang kanyang pagiging low-key, sapagkat ang kasuotan nga lamang niya ay isang white twist bandeau bikini top na kanya ngang pinaresan ng isa ring white high-waisted shorts. Binagayan naman ni Bea ang outfit niya na ito ng isang monogram print bucket hat, woven tote at gold bracelets.




Kung titignan nga ay tila napakasimple ng OOTD na ito ni Bea, ngunit dahil sa kanyang taglay na kagandahan at husay sa pagdadala ng kasuotan ay lumabas pa rin itong elegant at class.

Image Credit via Google

Samantala, kung isa ka naman sa mga nagnanais na mag-OOTD rin ng tulad sa kasuotan at accessories ni Bea sa kanyang naging poolsode lounging, ay tila nga kinakailangan na alam mo ang bawat detalye ng bawat kasuotan ng Kapuso actress at kung magkano nga ang halaga ng bawat isa.

Image Credit via Google

Narito nga ang ilan sa mga detalye patungkol sa kausotan at accessories ni Bea sa kanyang unang OOTD ngayong taong 2022. ` Tote Bag – ang tote bag ni Bea na tinerno niya sa kanyang OOTD ay tunay na mamahalin, dahil pangalan pa lamang nito ay batid na natin na hindi basta-basta ang presyo. Ito nga ay isang white Prada Raffa Tote Bag na nagkakahalaga ng $1,590 o kung sa halaga ng pera sa Pilipinas ay aabot ng P81,313.28.

Image Credit via Google

Monogram Print Bucket Hat – ang brand naman ng bucket hat na suot ni Bea ay Dior D-Oblique Bucket Hat na maaring gamitin pang resortwear o casual wear. Ito naman ay nagkakahalaga sa Dior ng $1,190 o aabot sa P61,881.66. Love Bracelet – ang isa sa mga gold accessories na suot ni Bea sa kanyang OOTD na kulay yellow gold, at ito nga ay mabibili sa isa sa mga mamahaling brand ng jewelry, walang iba kundi ang Cartier. Ang Love Bracelet nga na ito ng aktres ay nagkakahalaga ng $6,800 o nasa P393,895.06.




Juste un Clou Bracelet – isa din ito sa gold bracelet na suot ng Kapuso actress, kulay yellow gold din at mula rin sa Cartier, kaya naman napakahamal rin nito sa halagang £2,820 o P195,752. 76. Sa kabuuan nga ay aabot sa halagang P731,842 ang all-white chic OOTD na ito ni Bea Alonzo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *