Tingnan Ang Mga Sweet Photos Ng Mag-Fiancée Na Sina Maja Salvador At Rambo Nuňez

Kung maraming celebrity couples ang naghiwalay ngayong taong 2022, mayroon din naman mga celebrity couples ang nanatiling matatag ang relasyon, at ang iba pa nga sa kanila ay handa ng i-level-up ito, katulad na nga lamang ng aktres na si Maja Salvador at kanyang boyfriend na ngayon ay fiancée na nga na si Rambo Nuňez.




Noon nga lamang ika-17 ng buwan ng Abril kung saan ay ipinagdidiwang ng marami sa atin ay masayang ibinahagi ng aktres at ‘Eat Bulaga’ host na si Maja Salvador na siya nga ay engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Rambo. “My new beginning”, ang naging saad ni Maja sa kanyang IG post.

Makikita sa larawang ibinahagi ni Maja, ang kanyang pagiging emosyonal ng sa hindi niya niya inaasahang pagkakataon ay mag-propose sa kanya si Rambo, ito ay matapos nga ang kanilang tatlong taong relasyon bilang magkasintahan.

Photo Credit: maja/Instagram

Ayon sa ulat, maliban sa pagiging fiancée niya, ay si Rambo din ang tagapamahala ni Maja sa kanyang talent-management agency na Crown Artist Management. Samantala, bago pa man ma-engaged sa isa’t isa ang magkasintahan, ay magkasama ngang nagbakasyon ang dalawa sa El Nido, Palawan. Magkasama rin nga nilang ipagdiwang ang Valentine’s Day.
Noon namang nakaraang Pasko, ay magkasama rin ang magkasintahan na ipinagdiwang ito sa Los Angeles, sa California.

Photo Credit: maja/Instagram

“I go where you go”, ang naging caption ni Rambo sa kanyang IG post kung saan kasama niya ang nobyang aktres habang sila ay nasa Rodeo Drive, Beverly Hills sa California. Noong Bagong Taon din ay magkasama sina Maja at Rambo .

Photo Credit: maja/Instagram

“Proud of my DC Queen on [Eat Bulaga] sulat ni Rambo sa kanyang IG post kalakip ang larawan kung saan makikita na siya ay nakayakap sa girlfriend niyang si Maja na kuha nga sa Eat Bulaga studio.

Photo Credit: maja/Instagram

Tunay namang mas lalo pang tumitibay ang pagmamahalan nina Maja at Rambo base na rin sa mga larawan nilang magkasintahan sa social media. Sa kabila nga na si Maja ay isang public figure ay napapanatili nga nilang matatag ang kanilang pagsasama, at ngayon nga ay pinaghahandaan na nila ang magiging next chapter ng kanilang buhay.




Sa kabila naman ng engaged na ang magkasintahan, ay wala pa namang inilalabas na detalye sina Maja at Rambo kung kailan ng aba magaganap ang ‘Big Day’ nilang dalawa, pero sigurado naman na marami na ang nag-aabang nito, lalo na nga ang mga tagahanga at tagasuporta ng aktres.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *