Tingnan Ang Mga Throwback Na Larawan Ng Nag-Iisang Queen Of All Media

Halos ilang buwan na ring lamang ng mga balita at iba’t ibang mga artikulo ng mga blogs ang tinaguriang Queen of All Media na si Kris Aquino, ito ay matapos nga niyang ibahagi kamakailan lamang ang matinding pagsubok na kinahaharap niya ngayon at ito nga ay ang pagharap niya at patuloy na pakikipaglaban niya sa karamdaman na tumama sa kanya.




Isa din sa mga pinag-usapan ng publiko ay ang naging pag-alis ni Kris kasama ang kanyang dalawang anak patungo sa ibang bansa, upang doon humanap ng solusyon para sa kanyang lumalalang karamdaman. Dahil dito, ay marami nga sa mga tagahanga at kaibigan ni Kris ang agad namang nagpaabot ng suporta at panalangin para sa aktres.

Image Credit via Google

Kasabaya ng patuloy na pinag-uusapan ang kalusugan ni Kris ay naging laman din ng social media ang ilan sa mga throwback photo ng aktres, kung saan makikita ang kanyang taglay na kagandahan noong kanyang kabataan.

Image Credit via Google

Si Kris Aquino ay kilala na mula sa mayamang pamilya ng Cojuangco at Aquino, ngunit maliban pa dito, minahal at hinahangaan siya ng marami dahil sa kanyang angking talent bilang isang aktres at mahusay na TV host. Matatandaan na ilang dekada ring namayagpag ang karera ni Kris sa mundo ng showbiz, kung saan siya ay nagkaroon ng mga peliula at solo project tulad na lamang ng mga variety shows, talk shows at game shows.

Image Credit via Google

Samantala, ilan nga sa mga throwback adorable photo ni Kris na kumalat sa social media ay ang larawan kung saan masisilayan na kanyang kasama ang yumao niyang ama na si dating Philippine President Corazon Aquino. Sa isa namang larawan ay makikita naman na ang kasama niya ang yumao naman niyang ama na si dating Sen. Benigno ‘Ninoy’ Aquino.

Image Credit via Google

May ilan namang mga netizens na hindi naiwasan na ikumpara ang ilan sa mga throwback photo ni Kris sa mga Korean superstars ngayon tulad na lamang nina Bae Suzy, Kim Hyeon-soo at ni Jisoo na miyembro ng BlackPink dahil nga sa mala-porselanang kutis ni Kris na may pagka-Koreana din nga ang angking ganda.




Sa ibang larawan naman ay makikita ang naging pagsama ni Kris sa ina niyang si Cory ng ito ay makapanayam ng sikat na American Anchor na si Sam Donaldson.
Matatandaan din na noong dekada 80 ay lumabas din si Kris sa Eat Bulaga, ang longest-running noontime show ng GMA-7 network. Kahit nga mula sa mayaman at kilalang pamilya si Kris Aquino, ay pinili nga niyang gumawa ng sarili niyang pangalan sa mundo ng showbiz, kung saan siya ay sumikat at namayagpag.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *