Tingnan Ang Mga Throwback Photos Ng Aktor Na Si Paolo Ballesteros

Marami sa atin ang hindi nakaka-alam na magtiyahin pala sina Paolo Ballesteros at Eula Valdez, na kung saan ay sila pala ay nasa isang bloodline lang ang pinagmulan.
Sa kanyang Instagram Account ay nag bahagi ng mga throwback photo si Paolo, na kung saan ay kasama niya si Eula Valdez, makikita sa larawan na batang-bata pa ng mga panahong iyon ang nasabing actress.

Photo Credit: pochoy_29/Instagram




May larawan din na kung saan ay karga ng aktres ang batang-bata pa at maypaka kulot na buhok noon na si Paolo Ballesteros, makikita sa mga nasabing larawan ang ngiti ng dalawa na kung saan ay nag-eenjoy sila na kasama ang isa’t isa.

Photo Credit: pochoy_29/Instagram

Ang mga larawang ito na ibinahagi ni Paolo ay may caption na “Throwback! With my tita ninang @eulavaldez in Cabanatuan hehe. Thanks for the pic labyu. #kulotpamore #siMatet.
Na kung saan ay marami nagulat at ang iba ay nagbigay pa ng komento lalong -lalo na ang mga tagahanga ni Paolo na hindi nakaka-alam na kamag-anak/tiyahin pala niya ang aktres na si Eula Valdez.

Photo Credit: pochoy_29/Instagram

Ilan sa mga komento ng netizens ay: “Tita mo pala si Eula, Pao. Now ko lang nalaman.” G. Urbina wrote. “Hala, kamag-anak mop ala si Eula.” From netizen C. Dingle Marami nga naman sa atin ang hindi nakaka-alam na ang dalawa pala ay magtiyahin, na kung saan ay iisang-dugo at pamilya ang halos kanilang pinanggalingan, at ito ay sa tanyag na Filipino Artist sa Visual Arts na si Fernando Amorsolo.

Photo Credit: pochoy_29/Instagram

Sa isang interview na aktres na si Eula, ay ibinahagi niya kung paano sila naging magtiyahin ni Paolo. Ayon sa aktres ang kanyang ina ay anak ni Fernando Amorsolo, samantalang ang Lola naman ni Paolo, na ina ng kanyang ama ay anak rin ng nasabing Filipino Artist.

“Yung lola niya, si tita Virginia, na kapatid ng mom ko, ang panganay ni Amorsolo. And si Paolo, anak siya ng anak ni Tita Virginia”, pahayag ng aktres. Kaya pala magaling ang aktor na si Paolo sa pagpupustura ng kanyang mukha, gamit ang mga make-up dahil ito pala ay nagmula sa lahi ng magaling na Visual Artis.

Photo Credit: pochoy_29/Instagram

Ayon naman kay Paolo, ang kanyang Aunti na si Eula ay may galing din sa pagpipinta katulad ng kanilang famous grandfather. Sa katunayan ay may oil paintings ang aktres sa living room ng dating director na si Wenn V. Deramas. Ibinahagi rin ni Paolo, na ang kanyang ama ay isa ring pintor sa New York noon.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *