Tingnan Ang Mga Ukay Ukay Na Damit Na Binili Ni Heart Evangelista Sa Sorsogon

Muling pinatunayan ng aktres at isa sa mga pinaka hinahangaan “fashion icon” sa Pilipinas, na si Heart Evangelista, na hindi kinakailangan mamahalin ang iyong damit, upang ma-achieve ang “classy at stylish look” pagdating sa fashion ng isang tao.



Alam ng marami sa atin, kung gaano kagaling bilang isang “fashionista” si Heart Evangelista, kaya naman talagang marami mga kababaihan ang humahanga sa kanya, at ninanais na ma-achieve ang kanyang“classy at stylish look”.
Image Credit via YouTube
Matatandaan na noong Enero ng kasalukuyang taon, ay nag-trending si Heart sa social media, ito ay matapos niyang bumili ng headband na nagkakahalaga ng Php70, sa isang tindahan sa Quiapo, at isinulat niya ang nasabing headband sa 2020 Paris Fashion Week.
Image Credit via YouTube
At nitong nakaraan lamang, ay muli na namang pinamangha ng aktres ang mga netizens, matapos niyang ibahagi ang kanyang mga naggagandahang kasuotan, na hindi natin aakalain na mga ukay-ukay na damit pala, at nagkakahalaga lamang ng Php270.
Image Credit via YouTube
Sa isang larawan ni Heart sa kanyang Instagram account ay makikita na ibinida nito ang isa sa kanyang magandang damit, kung saan ayon sa aktres ay isang ukay-ukay, na nabili niya sa Sorsogon.
Image Credit via YouTube
“Ukay-ukay shopping: Sorsogon edition. I complete this look for only Php270! I blogged abput this whole experience so watch out for my Youtube upload. #MahalKong Sorsogon”
Hindi naman mapigilan ng ilang mga netizens ang mamangha, at hindi nila akalain na ang magandang “dress” na suot ng aktres, ay isang ukay-ukay pala, dahil tila isa itong damit na binili sa mamahaling fashion boutique.
Image Credit via YouTube
“Ang galing parang galing sa Paris, ang outfit mo madam!!!, ang naging komento nga sa Instagram ng isang follower.
Image Credit via YouTube
Hindi nga lamang ito ang una-unang pagkakataon na nagsulat ng aktres, ng ukay ukay na damit. Dahil sa isa pa niyang Instagram post, ay muling ibinida ni Heart ang isang red polo long-sleeved na kanyang suot, kung saan ayon sa kanya ay nabili lamang niya sa halagang Php20 sa ukay-ukay.
Image Credit via YouTube
“Playing dress up with our ukay finds! Guess what? My top @khinoocenar’s dress were both 20 pesos each!. #MahalKongSorsogon
Image Credit via YouTube
Marami nga sa mga netizens at tagahanga ng aktres, ang talaga namang bilib na bilib kay Heart pagdating sa kanyang pagiging isang fashionista. Paano ba naman, ang mga damit niyang ito na mula sa ukay-ukay, ay nagmumukhang mamahalin, kapag kanyang suot-suot na.



Narito nga ang ilan sa mga komento ng mga netizens na talaga namag napahanga ng aktres; “It’s’ definitely not the price! It’s how you carry it!!! “Wala talaga sa presyo yan eh, depende talaga sa nagdadala.”
https://www.youtube.com/watch?v=Ypm1JMWoSCw
“OMG, miss Heart is wearing ukay. Loving her more” “Ay relate ako dyan ms. Heart, 20 pesos ukay finds are rockstar” Tunay nga naman na hindi kinakailangang maging mamahalin ang isang damit, dahil ang kagandahan ng isang damit ay hindi nababase sa halaga nito, kundi kung paano ito dinadala ng taong nagsusuot nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *