Tingnan Ang Naging Masayang Pagkikita Sa Amerika Ng Magkaibigang Ruby Rodriguez At Ice Seguerra

Sa kasalukuyan ay nasa bansang Amerika na ngayon ang TV host-actress na si Ruby Rodriguez, ito nga ay matapos niyang iwan ang mundo ng showbiz. Kasama niya sa nasabing bansa ang kanyang pamilya.




Kinilala at hinangaan bilang isang mahusay na artista at Tv host si Ruby, kung saan ay halos 31-taon nga siyang nagpamalas ng kanyang galing sa industriya ng showbiz.
Isa rin si Ruby sa mga kwelang host ng longest noontime show na Eat Bulaga.

Photo Credit: rodriguezruby/Instagram

Naging pamilya niya sa nasabing programa ang mga kasamahan niya rito na host, kagaya na lamang ng mga kilala ring personalidad sa showbiz na sina Bossing Vic Sotto, Joey De Leon, Maine Mendoza, Alden Richards, Allan K at marami pa ngang iba.

Photo Credit: rodriguezruby/Instagram

Maliban sa mga nabanggit ay isa pa nga sa mga naging malapit kay Ruby na naging katrabaho din niya noon sa Eat Bulaga at nakasama niya pa sa sitcom na “Okay Ka, Fairy Ko!” ay si Ice Seguerra na nagging malapit sa kanya.

Photo Credit: rodriguezruby/Instagram

At nito nga lamang nakaraan, sa kabila ng matagal ng hindi pagkikita ng dalawa, ay muli nga silang nagkitang magkaibigan sa bansang Amerika, kung saan ay makikita sa kani-kanilang Instagram account ang naging pagbabahagi nila ng naging masaya nilang pag-bonding muling magkaibigan.

Photo Credit: rodriguezruby/Instagram

Naunang nagbahagi si Ice sa kanyang Instagram ng larawan nila ni Ruby, kung saan ay makikita ngang mahigpit na nakaakbay sa kanya aang kaibigan at dating kasamahan sa industriya. Masisilayan din sa mga ngiti nilang magkaibigan ang saya sa muli nilang pagkakasama.

“Soooo happy to see you again!!!! Love you @rodriguezruby!!!”, ang naging caption ni Ice sa kanyang IG post. Sa Instagram naman ni Ruby, ay makikita rin ang naging pagbabahagi niya ng halos kaparehas na larawan na ibinahagi ni Ice, at ito nga ay may caption na;

“Soooo happy to see you again!!!! Love you @rodriguezruby!!! I’m happier than you think! Love the gummies too.” Pinatunayan naman ng magkaibigang Ruby at Ice na sa kabila ng matagal na panahon na hindi nila pagkikita at pagkakasama ay walang nagbago sa pagkakaibigan nilang dalawa.




Matapos iwan ni Ruby Rodriguez ang mundo ng showbiz para makasama ang kanyang pamilya sa Amerika ay may mga oportunidad din na dumating sa buhay ng TV host-actress, at ito nga ay ang kanyang kasakukuyang trabaho ngayon sa Los Angeles, California.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *