Tingnan Ang Naging Masayang Pagpapasilip Ni Ysabel Ortega Sa Malawak Na Farm Sa La Union

Ang pag-invest sa isang malawak na lupain ay isang matalinong hakbbang para sa isang taong nais na mapakinabangan ng matagal na panahon ang perang kanyang kinikita. Ang pagkakaroon kasi ng isang malawak at matabang lupain ay nakapagbibigay ng maraming produkto, na maaring makatulong sa pangangailangan ng isang indibidwal sa pang-araw-araw lalo na kung ito ay ginawang taniman ng mga gulay o prutas.




Kaya naman ang 22-taong gulang na aktres na si Ysabel Ortega ay isa sa mga personalidad sa showbiz na ngayon ay ine-enjoy ang masayang buhay probinsya, ito ay matapos nga niyang makapagpundar ng isang malawak na farm sa La Union.

Image Credit via Youtube

Nang lumaganap ang krisis sa ating bansa, ay iba’t iba nga ang naging libangan ng marami sa atin. Si Ysabel naman ay naging abala sa pagtulong sa kanilang farm, at kamakailan nga lamang ito ay kanyang ibinahagi sa kanyang YouTube channel.

Image Credit via Youtube

Sa mga previous vlogs noon ng aktres ay matatandaan na kanyang ibinahagi ang naging lemon platation nila at sarili nilang poultry farm. At sa panibagong vlogs nga na ini-upload ngayon ng aktres ay isa na namang exciting farm tour ang kanyang ginawa at ipinakita sa madla.

Image Credit via Youtube

Pinamagatan ni Ysabel ang kanyang bagong upload na vlogs na “A Day in My Life at The Farm”, kung saan ay kanyang ipinasailip ang masayang paglilibot niya muli sa kanilang farm at ang naging pag-harvest nila ng iba’t ibang mga pananim na naroroon.

Image Credit via Youtube

Maliban nga sa kanilang lemon plantation at poultry farm, ay nataniman na rin nila ang kanilang lupain ng iba’t ibang uri ng pananim kagaya na lamang ng kamote, mais, luya at mangga. Dagdag pa ng dalaga, bago pa man nga nila umpisahan ang pagtatanim sa nasabing lupain ay may mga dati ng pananim doon.

Image Credit via Youtube

“Even before na inumpisahan na magtanim ng iba’t ibang mga plants, mayroon naman ng existing dito na nakatanim. We had santol, chico, rambutan, mango, guyabano, lanzones, orange, suha, lemon, jackfruit, saging at sampaloc”, ani Ysabel. Ibinahagi rin ni Ysabel na sa bawat pananim nilang puno ay mayroong tanim silang luya sa pagitan ng mga ito.




“Buong slope ng bundok namin, punong puno ng luya and we really make sure na in between the trees we have right now, puro may luya kasi sayang naman din yung land na nakapalibot sa puno”, saad pa nga ng aktres. Kitang-kita naman kay Ysabel ang kanyang kasiyahan habang naglilibot sa kanilang farm at nagha-harvest ng mga bunga ng kanilang pananim. Ito nga ang patunay na kapag may itinanim siguradong may aanihin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *