Tingnan Ang Naging Pagpapasilip Ni Geneva Cruz Ng Masayang 7th Birthday Celebration Ng Kanyang Anak

Nito lamang ika-10 mg Mayo ay tumuntong na sa ika-7 taong gulang ang unica hija ng singer-actress na si Geneva Cruz na si London. Si London ay anak ni Geneva sa kanyang dating boyfriend na is Lee Paulsen.




Dahil sa patuloy pa rin ang krisis sa ating bansa ay nagpasya ang Smokey Mountain member na gawin ang selebrasyon ng ika-7 taong kaarawan ng anak niyang si London sa loob lamang ng kanilang tahanan. Sa kabila naman nito ay masaya pa rin naman na ipinagdiwang ng kanilang pamilya ang napakahalagang araw para sa anak niyang si London.

Photo Credit: genevacruzofficial/instagram

Ibinahagi naman ni Geneva sa kanyang Instagram account ang ilang mga larawan na kuha sa naging selebrasyon nila ng kaarawan ng kanyang unica hija. Kalakip pa nito ay ang kanyang caption na nagpapa-abot ng pagbati para sa kanyang anak, at kung gaano niya ito kamahal.

Photo Credit: genevacruzofficial/instagram

“Happy 7th Birthday London!”, ang naging bungad ni Geneva. Dagdag pa niya, “Baby girl, Mama and I raised you to be kind and compassionate, tough yet sweet, intelligent and strong-willed, feminine yet athletic, talented, feisty, creative, and super funny. And I think we did an excellent job in fulfilling those attributes as you are glowing every single day.”

Photo Credit: genevacruzofficial/instagram

Mababakas din sa mensahe ni Geneva sa kanyang anak ang tunay at wagas na pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak. At kung paano nga siya pinapatatag ng kanyang anak na patuloy na maging malakas sa lahat ng hamon na dumaraan sa kanilang buhay mag-ina.

Photo Credit: genevacruzofficial/instagram

Para rin kay Geneva asi London, ang isa sa pinakamalaking biyaya na dumating sa kanyang buhay na labis niyang ipinagpapasamat sa Diyos. “You are the reason why I stay young in all aspects of life. I love you and your big brother more ame a mother again on Mother’s Day of 2014!”

Photo Credit: genevacruzofficial/instagram

Maliban dito ay may hiwalay na post pa si Geneva na para naman sa kanyang ina, na [email protected] noon lamang nakaraang buwan matapos nga nitong magpositibo sa krisis.
Ayon kay Geneva, sana ay kapiling pa nga nila ngayon ang kanyang ina, at nasaksihan sana nito ang pagdiriwang ni London ng 7th birthday nito kung saan ay napakaganda ng apo nito.




“Mama, I wish you were here to see how beautiful London is and how fun her party is! I’m pretty sure you are watching us from heaven, though, holding us and singing a Happy Birthday song for your princess apo.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *