Tingnan Ang Naging Tagumpay Ni Aga Muhlach Sa Showbiz Bilang Matinee Idol Hanggang Siya Ay Maging Beteranong Aktor

Sino nga ba naman ang hindi nakakakilala sa gwapong aktor na si Ariel Aquino Muhlach o mas kilala natin sa screenname niyang si Aga Mulach. Ang 50- taong gulang na aktor ay isa sa mga mahuhusay na aktor ng kanyang henerasyon at magpa-hanggang ngayon kung kaya’t siya ay kilala bilang “Ultimate Leading Man” sa industriya ng showbiz ng Pilipinas.

 

Image Credit via Google




Anim na taong gulang lamang si Aga Mulach noong siya ay mapabilang at mapanood sa isang pelikula sa telebisyon noong 1975 na “May Isang Tsuper ng Taksi”, kasunod na naman nito ay ang ang pelikulang “Aguila” na kung saan ay ang kanyang mga kasama ay mga beteranong aktor noon na si Christopher De Leon at ang yumao ng si Fernando Poe Jr.,

Image Credit via Google

Sa edad na 14-taong gulang naman ay sumikat at nakilala si Aga bilang isang “heartthrob” ng mapabilang siya sa pelikulang “Bagets” noon. Dahil sa angking kagwapuhan at pinakita ng galing sa pag-arte, taong 1985 ay ginawaran si Aga ng parangal na “Best Supporting Actor” ng FAMAS Award dahil sa naging mahusay na paganap niya sa karakter niyang Miguelito sa pelikulang “Ang Batang Rebelde”.

Image Credit via Google

Dahil sa magandang takbo ng karera, ng mga panahong iyon ay nagdesisyon si Aga na huminto sa kanyang pag-aaral at magpokus muna sa pagiging isang aktor.
Isa naman sa mga naka tambal noon ng aktor sa pelikula ay ang halos kaedaran lang niya na aktres na si Janice De Belen sa pelikulang “Super Wan-Tu-Tri”.

Image Credit via Google

Sa hindi inaasahang pangyayari ay ikinagulat ng kanilang mga tagahanga ng lumabas ang balita na ang 17-taong gulang na aktres na si Janice ay nagdadalang-tao at ang ama umano nito ay si Aga Mulach.

Image Credit via Google

Hindi naman daw nagdalawang-isip ang aktor na panagutan ang nasabing actress, at ninais pa nga nito na pakasalan si Janice ngunit hindi ito sumang-ayon dahil sa napakabata pa umano nila noon para lumagay sa tahimik at bumuo ng pamilya.

Ang naging anak nga nina Aga at Janice ay pinangalanan nila na si Igi Boy na ngayon ay pamilyadong tao na rin. Base naman sa aktor ng minsang siya ay makapanayam sa “Magandang Buhay”, ang pagdating umano ni Igi Boy sa kanilang buhay ni Janice ay hindi aksidente at plinano umano nila ito.

Ilan pa nga sa mga aktres na nakatambal at naging nobya ni Aga ay ang singer/actress na si Lea Salonga na 18-taong gulang noon at ang aktor ang naging unang nobya nito. Ang Miss Universe 1993 naman na si Dayanara Torres ay naging nobya din ng nasabing aktor ng halos tatlong taon ngunit ito ay hindi rin nagtagal at nauwi din sa paghihiwalay.

Image Credit via Google




Sa ngayon ay masaya naman ang kinahantungan ng buhay may asawa ng aktor. Si Miss Philippines-Universe 1993 Charlene Gonzales ang nakatuluyan at naging asawa ni Aga na hanggang ngayon ay masaya pa rin silang nagsasama kasama ang kanilang kambal na anak na sina Andres at Atasha.

Image Credit via Google

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *