Tingnan Ang Nakakamanghang Ganda Ng Prenup Photo Ni Dating Bulilit Star Trina “Hopia”Legaspi

Ang Dating Goin’ Bulilit Star na si Trina Legaspi o mas nakilala ng publiko bilang si Hopia ng nasabing programa ay isa sa mga kyut na kyuta na bata noon na nagbigay sa atin ng ngiti sa Goin Bulilit. Ang talagang kinahigiliwan pa sa kanya noon ng maraming mga manonood ay ang pagkakaroon niya ng matambok ba pisngi, na talaga namang kagigilgil.




Ngunit sadya ngang ang panahon ay matuling lumilipas, dahil ang batang kinagigiliwan natin noon dahil sa kanyang pagkakaroon ng chubby face ay isa ng ganap na dalaga ngayon, na nagtataglay na ng mas lumitaw niyang kagandahan at kaseksihan.

Photo Credit: trinalegaspi/Instagram

Maliban pa sa pagiging ganap na isa na ngang dalaga ni Hopia ngayon, ay kamailan lamang ay naiulat din na ito ay handa ng makapiling ang kanyang minamahal panghabang-buhay, matapos nga niyang ma-engaged sa kanyang nobyo.

Photo Credit: trinalegaspi/Instagram

Sa kabila ng hindi na masyadong lumalabas sa telebisyon ngayon si Hopia, ay patuloy pa rin naman itong nagbibigay update ng pangyayari sa kanyang buhay sa kanyang mga tagahanga, sa pamamagitan ng kanyang social media account at YouTube channel.

Photo Credit: trinalegaspi/Instagram

Nito nga lamang nakaraan, ay ginulat ni Hopia o kilala na ngayon bilang si Trina, ang kanyang mga tagahanga ng magbahagi ito ng ilang mga napakaganda niyang larawan na kuha sa naging prenup photo shoot para sa nalalapit niyang pagpapakasal.

Photo Credit: trinalegaspi/Instagram

Makikita nga sa mga larawan ni Trina ang kanyang napakagandang mukha, na bakas na ng pagiging isa niyang dalaga, na handa ng harapin ang buhay may asawa sa mga susunod na taon.

Photo Credit: trinalegaspi/Instagram

Si Trina ‘Hopia’ Legaspi ay na-engaged sa kanyang first love at longtime boyfriend nansi Ryan Jarina. Noong buwan ng Nobyembre 2020 ng maganap ang wedding proposal ng nobyo nito, kung saan ay labis ang naging kasiyahan ni Trina at halos mangiyak-ngiyak ng sagutin ng “oo” ang kanyang nobyo.

Photo Credit: trinalegaspi/Instagram

Naibahagi ni Trina sa kanyang social media account ang naging proposal sa kanya ng kanyang longtime boyfriend, at ito ay may caption na; “Six years together and forever! Without a doubt in a heartbeat, I said ‘yes’! I can’t wait to marry my fist and only love.

Finally, malapit na tayong mag travel ng tayong dalawa lang! Yey! Grabe babe! nasurprise talaga ako ‘akala ko nong una hindi para sa akin yung proposal, Hahaha! Hindi na ito prank!l, Totoong may kasalang magaganap!”




Samantala, sa isang vlog naman ay ibinahagi ng mag-fiance ang sikreto ng pagkakaroon nila ng matatag na relasyon, kung saan ayon sa dalawa pinaka-importante at mahalaga sa lahat ay ang maging sentro ng inyong relasyon ay ang Panginoon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *