Tingnan Ang Napaka-Cute Na Mga Larawan Ng Bunsong Anak Ni Bangs Garcia-Birchmore Para Sa Pagdiriwang Ng 1-Taong Kaarawan

Sa bagong post ng dating aktres na si Valerie Garcia o mas nakilala ng publiko bilang si Bangs Garcia sa kanyang Instagram ay kanyang ipinasilip ang naging magagandang larawan ng kanyang bunsong anak na si Baby Isabella. Ang mga larawan na ito na ibinahagi ni Bangs, ay tila ‘highlight’ sa magiging maganda at makulay na isang taong kaarawan ni Baby Isabella.




Kalakip ng larawan na ito na ibinahagi ni Bangs ay ang kanyang mensahe na puno ng kagalakan at pasasalamat para sa kanyang bunsong anak, sa ibinigay nitong kasiyahan sa kanilang pamilya.

Photo Creditvaleriebangsgarcia/Instagram

“Ang just like that … your 1 year old! [red heart emoji] @isabellabirchmore, thank you for being such a sweet, happy and calm baby, for not giving Mummy & Daddy such a hard time”, saad ni Bangs sa kanyang captions.

Photo Creditvaleriebangsgarcia/Instagram

Para nga kay Bangs ay talaga namang napakabilis ng paglipas ng panahon, dahil parang kailan lang ng isilang niya si baby Isabella, at ngayon nga ay isang taong gulang na ito.
Kagaya naman ng ibang mga magulang,

Photo Creditvaleriebangsgarcia/Instagram

inilahad din ni Bangs sa kanyang naging caption sa larawan ang kanyang mensahe para sa anak niyang si baby Isabella, kung saan ay kanya ngang sinabi na ang tanging nais lamang niya ay ang lumaki itong malusog, maayos at mabuti. At siyempre, ipinagdarasal din umano ni Bangs, na nawa’y maging gabay lagi ng kanyang anak ang Diyos.

Photo Creditvaleriebangsgarcia/Instagram

“I pray that God will always guide you with his light, fill your life with joy, love & goodness; make your future bright, keep you healthy and protect you forever. I also pray that God will work through me and your Dad @lloydiboi24 to raise you as a child of God Whome He will be so proud of. Amen [red heart emoji] We love you very much!!!”, ani Bangs.

Kitang-kita sa larawan na ibinahagi ni Bangs, ang umaapaw na kakyutan ng Baby Isabella, lalo na sa suot nitong napakagandang pink dress na tila nga pang prinsesa na tinernuhan pa ng crown headband. Hindi naman maikakaila na sa taglay na kakyutan ni Baby Isabella ay talaga namang namana niya ang kagandahan ng kanyang ina.

Matatandaan na si Bangs Garcia ay isa sa mga sumikat na aktres noon na hinangaan at pinantasya rin ng marami dahil sa kanyang taglay na kaseksihan at kagandahan. Siya ay tumigil sa pag-aartista ng magdesisyon siyang mag-settle down na.




Taong 2016 ng magpakasal si Bangs sa kanyang businessman half Filipino-British partner na si Llooyd Birchmore, at ilang buwan nga lamang matapos ang kanilang kasal ay biniyayaan na sila ng supling at ito nga ay ang kanilang panganay na anak na si Amelia na isinilang noong buwan ng Disyembre taong 2017. Ang pangalawang anak ng mag-asawa na si Baby Isabella ay isinilang naman noong ika-21 ng Hulyo taong 2020 .

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *