Tingnan Ang Napaka-Sweet Na Mensahe Ni Dennis Trillo Para Sa Kaarawan Ng Nobyang Si Jennylyn Mercado

Isang nakakakilig na mensahe ang ipinaabot ng aktor na si Dennis Trillo para sa kanyang girlfriend na si Jennylyn Mercado, ng ito ay magdiwang ng kanyang kaarawan. Kaya naman talagang ang mga tagahanga at tagasuporta ng magkasintahan ay todo din ang nadamang kilig.




Masayang ipinagdiwang ng aktres na si Jennylyn Mercado ang kanyang ika-34 taong kaarawan noong araw ng Sabado, ika-15 ng Mayo. At dahil ang araw na ito ay espesyal na araw para sa Kapuso actress, ay bumuhos ang napakaraming pagbati sa kanya mula sa kanyang mga tagahanga, kaibigan, kapamilya na patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanya.

Photo Credit: mercadojenny/Instagram

At siyempre sa espesyal na araw sa buhay na ito ni Jennylyn ay hindi naman maaring mawala ang pagbati sa kanya ng boyfriend niyang aktor na si Dennis Trillo, kung saan ay pinakilig nito ang kanilang mga tagasuporta dahil sa pagpapa-abot nito ng napa-sweet na mensahe para kay Jennylyn.

Photo Credit: mercadojenny/Instagram

Ibinahagi ni Dennis sa kanyang Instagram ang naging pagbati niya sa kasintahang aktres, at kalakip nga ng kanyang matamis na mensahe para rito ay ang kanilang sweet diving photos ng kasintahan.

Photo Credit: mercadojenny/Instagram

“Sa lupa, sa ilalim ng dagat, lahit saan pa man, at kahit anong mangyari nandito ako para sa’yo hindi kita pababayaan.” Kasunod pa nga nito ay ang naging pagpapahayag pa ng aktor, kung gaano siya nanabik sa mga magiging pangyayari pa sa relasyon nila ni Jennylyn. Damang-dama na din sa huling kataga ng aktor ang labis na pagmamahal niya para sa kasintahang aktres.

Photo Credit: mercadojenny/Instagram

“Excited ako sa mga susunod na kabanata sa buhay natin. Mahal na mahal ka namin, mahal na mahal kita. [white heart emoji] Maligayang kaarawan sayo Mahal ko.”
Sa kabilang banda, makikita naman sa Instagram ni Jennylyn ang naging maikling mensahe nito para sa pagdiriwang niya ng kanyang kaarawan.

“I love me then, and I love me now – weight changes, pregnancy, motherhood, and everything comes with it! Celebrate your body at every life stage because it’s unique, natural and it’s beautiful.”




Bago pa man naging magkarelasyon sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, ay nagkaroon muna sila ng mga naunan nilang karelasyon kung saan sila ay nagkaroon ng mga anak. Si Jennylyn ay nagkaroon ng anak na lalakim na si Jaz na ang ama nga ay ang sa ex-boyfriend niyang si Patrick Garcia, samantala si Dennis naman ay may anak sa dating karelasyon, at ito ay si Calix.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *