Tingnan Ang Napakaganda At Masayang Pamilya Ng Mag Asawang Kean Cipriano At Chynna Ortaleza

Isa sa mga celebrity couple na hinahangaan sa mundo ng showbiz ay ang mag-asawang Chynna Ortaleza at Kean Cipriano. Sila din ay isa sa mga mag-asawa na nagpatunay na ang ‘true love’, minsan nga ang nag-uumpisa sa magandang samahan ng pagkakaibigan.




Matatandaan na ang mag-asawang Chynna at Kean ay dalawang beses na ikinasal, una ay ang kanilang civil wedding na naganap noong taong 2015 at noon namang ika-7 ng buwan ng Nobyembre taong 2017 ng ikasal naman ang mag-asawa sa isang chuch wedding ceremony.

Photo Credit: chynsortaleza/Instagram

Maliban sa pagmamahal nila sa isa’t isa, isa pa sa nagpapatatag ng pagsasama ng mag-asawa ay ang kanilang mga anak na itinuturing nga nilang biyaya sa kanila. Ang kanila ngang panganay na anak ay isang babae, na binigyan nila ng pangalan na ‘Stellar’, kung saan ag pangalan nga na ito ay nakuha nila sa isa sa mga kanta ng bandang Incubus.

Photo Credit: chynsortaleza/Instagram

Tulad ng ibang mga celebrity parents, hindi maiiwasa na maging abala ang mag-asawang Chynna at Kean sa kanilang trabaho sa pag-acting, hosting o music, ngunit sa kabila ng kanilang ka-busyhan ay sinisigurado naman nilang mag-asawa na sila ay may nailalaan na sapat na oras at panahon sa kanilang anak. Ang madalas ngang itawag ng mag-asawa sa anak nilang si Stellar ay Peanut bilang palayaw nito.

Photo Credit: chynsortaleza/Instagram

Sa mga naging panayam noon ni Chynna ay ibinahagi niya na magmula ng siya ay maging isang ina, lahat nga ng kanyang takot at pangamba ay nawawala sa tulong nga ng kanyang anak.

Photo Credit: chynsortaleza/Instagram

“When you are a mom you have to take courage for your kids! I have tremendous fear of open water. Tried to get over it when I was in 5 and Up and once again during my 3R days. Never really got to truly conquer it.

Photo Credit: chynsortaleza/Instagram

However, during our vacation I had to smile through the fear and show Peanut that there was nothing to be scared of. When she saw @kean and I swimming she jumped in. Guys buti na lang may life vest! Baka lalong matakot ang bata ‘pag nakita niya ang pag flap flap ng nanay sa tubig! Next time try ko ng wala! Si Pea ata ang susi sa pag-conquer ko ng takot ko e.”

Ibinahagi rin nga noon ni Chynna kung bakit mahalaga ang pagkakaroon ng oras sa pamilya. “Always invest in rest and precious family time. Pea is growing up fast and we are building her chest of happy memories.”

Samantala, mas lalo pa ngang naging doble ang saya nina Chynna at Kean ng sila ay mabiyayaan ng ikalawang anak, kung saan noon ngang ika21-ng Abril taong 2019 ng masaya nila i-anunsyo sa publiko ang pagdadalangtao ni Chynna sa magiging second baby nila.

Sa kasalukuyan nga ay dalawa na ang anak nina Chynna at Kean, ito nga ay si Stellar at ang bunso nilang anak na si Salem. Makikita nga sa larawan nilang magpamilya ang masayang mga bonding moments nila, lalo na sa tuwing sila ay nagta-travel o nagbabaksyon sa mga magagandang lugar.

Makikita nga sa isang IG post ni Kean ang isang naging masayang bakasyon nilang pamilya, kung saan ito ay nilakipan nga niya ng caption na nagsasaad na ngayon ang goal nga niya sa buhay ay ang makabuo pa ng maraming memories kasama ang kanyang asawa at mga anak.




“Basta ang pinaka goal ko sa buhay ko ngayon ay makagawa ng marami at magagandang memories kasama pamilya ko. Sinusulit ko na habang maliliit pa mga bata. Ang bilis lang kasi ng panahon.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *