Tingnan Ang Napakagandang Family Photo Shoot Ng Mag-Asawang Nikka At Patrick Garcia

Nito lamang nakaraan ay pinamangha ng mag-asawang Nikka at Patrick Garcia ang maraming mga netizens ng ibahagi nila sa kanilang social media account ang napakagandang family picture nila.




Ang nasabing family picture na ito ay hindi lang basta masasabing maganda base sa kanilang mga kasuotan na talaga namang kaaya-aya lalo pa’t lahat sila ay nakasuot ng damit na kulay powder blue, kundi dahil sa talaga namang kumpleto silang mag-pamilya dito.

Photo Credit: onlypatrickgarcia/Instagram

Kasa-kasama kasi nina Nikka at Patrick ang kanilang tatlong anak na babae na sina Michelle (7), Patrice (4) at Pia (3), at ganundin ang kanilang mga kasambahay na kung ituring nga nila ay kanila ng kapamilya.

Photo Credit: onlypatrickgarcia/Instagram

“A complete group shot! This is all of us in my household. We are one team … one family! And we love them truly!!!”, ang naging caption nga ni Nikka. Tunay nga naman na nakakabilib ang pagturing ng mag-asawa bilang kapamilya sa kanilang mga kasambahay, at isinama pa nga nila ang mga ito sa kanilang family photoshoot.

Photo Credit: onlypatrickgarcia/Instagram

Ibinahagi rin ni Nikka sa kanyang naging post kung gaano siya nagpapasalamat sa mga kasambahay nila dahil sa pagiging loyal, sincere sa kanilang pamilya at siyempre sa naging pag-aalaga a t pagmamahal ng mga ito sa kanila.

“I always tell them and remind them… I love and appreciate each one of you! Thank you for being loyal, being genuine, being sincere and for loving me, my husband, most especially my girls, and even my baby boy in my tummy”, dagdag na saad pa ni Nikka.

“This is what makes our dream work. And always, I am grateful!”, aniya pa.
Narito naman ang naging komento ng mga netizens patungkol sa family picture na ito ng pamilya;

“Tama yan pinapakita mo kung gaano nyo kamahal ang kasambahay nyo susuklian din iyan ng pagmamahal.” “Yan ang kapamilya may malasakit sa kapwa Mabuhay”
“Saludo ako sau. Sana lahat ng may kasambahay ganyan.” “The best kayo sa mga kasambahay I’m proud of you.”




Matatandaan na noong buwan ng Pebrero ay masayang inanunsyo ng mag-asawang Nikka at Patrick Garcia na panibagong blessing ang dumating sa kanilang pamilya, at ito nga ay ang pagbubuntis ni Nikka sa magiging baby boy nila.

At noon nga lamang nakaraang linggo ay nagkaroon ng maternity photoshoot si Nikka na kinagiliwan ng maraming mga netizens kahit pa nga ito ay kinunan lamang sa loob ng kanilang bahay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *