Tingnan Ang Napakagandang Tahanan Na Naipundar Ng Komedyanteng Si Kakai Bautista Para Sa Kanyang Pamilya

Mula sa pagiging kuwela at bihasa sa pagpapatawa sa madla, ay isa nga si Kakai Bautista sa mga aktres at komedyante ngayon na talaga namang sikat sa mundo ng showbiz. Dahil din sa kanyang angking galing sa pagiging komedyante, ay maraming beses na nga siyang napabilang sa malalaking pelikula na ang iba pa nga ay mga blockbuster.




Hindi na nga nakapagtataka na mahalin si Kakain ng marami dahil sa kanyang kuwelang personalidad, kaya naman tunay na deserve niya ang tagumpay na karera na tinatamasa niya ngayon.

Image Credit via Google

Batid naman ng publiko na bago pa man marating ni Kakai ang magandang karera na mayroon siya ngayon sa mundo ng showbiz ay nagsimula din siya sa mababa, kung saan noon nga sa isang panayam sa kanya ay nabanggit niya na noon ay wardrobe assistant lamang siya ng singer-actress na si Lea Salonga.

Image Credit via Google

Ngunit dahil nga sa sipag at diskarte ni Kakai, ay nagawa niyang makapasok sa mundo ng showbiz, at ngayon nga ay natupad na ang ilan sa mga noon ay pangarap lamang niya sa kanyang buhay.

Image Credit via Google

Isa nga sa mga noon ay pangarap lamang ni Kakai na ngayon ay nakamit na niya ay ang magkaroon ng sariling tahanan na maayos, maganda at kumportable para sa kanyang pamilya. Ngayon nga ay natupad na niya ito, dahil na rin nga sa kanyang kasipagan.

Image Credit via Google

Kamakailan nga lamang ay proud na ipinasilip ni Kakai ang naipundar niyang tahanan, at ibinahagi niya na ito ay tinawag niyang JB house. Ang ipinagpatayo niya kasi nito ay nagmula sa ginawa niyang endorsement ng isang sikat at popular na fast food chain at ilan nga sa ginawa niyang Jolliserye kung saan ay kanyang nakasama ang kapwa komedyante niyang si Eugene Domingo.

Image Credit via Google

“Ang bahay na ito ay katas ng @jolibee JOLLISERYE with Ate Uge, endorsement ko. Kaya JB house ang tawag ko dito”, pagbabahagi ni Kakai.Pagpasok nga ng tahanan ni Kakai ay agad na tatambad ang living area at mapapansin ang mga kagamitan na narito, tulad na lamang ng sala set, flat TV at reclining chair.

Image Credit via Google

Kasunod nito ay ipinakita rin ni Kakai at kitchen at dining area, kung saan ay makikita naman na ang ilan sa mga kagamitan dito ay gawa sa mga matitibay na materyales at kahoy tulad na lamang ng lamesa at cabinets.

Ipinakita rin ng komedyante ang tila isang simpleng pader lamang, ngunit ito pala ay ang siyang secret storage area niya, kung saan dito nakatago ang ilan sa mga stocks niya ng pagkain o kutkutin. Kasunod ngang ipinakita ni Kakai ay ang Lanai, na siya nga umanong nagsisilbing tambayan.

Video Credit via YouTUbe

Huli namang ipinasilip ni Kakai ang silid nila ng kanyang kapatid na matatagpuan sa ikalawang palapag, at tunay na hahangaan ang pagiging maayos at organisado nito dahil sa mga native basket at organizers na makikita rito. Sa loob din ng silid ni Kakai ay mayroon siyang sariling vanity mirror at sofa.




Isa lamang nga si Kakai sa mga nagpatunay na sa pagtupad ng pangarap sa buhay ay hindi hadlang ang kahirapan basta’t matutunan lang ang pagiging madiskarte sa buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published.