Tingnan Ang Napaseksing Bakasyon Nina Jennylyn Mercado At Dennis Trillo Sa Batangas

Importante sa isang tao ang magkaroon ng bakasyon. Kaya sa ating mga trabaho, may tinatawag “leave” kung saan maari tayong lumiban na may bayad pa rin ang ating araw. Ito ay kailangan natin upang hindi tayo “burn out” o magsawa sa kanilang trabaho. Karamihan sa mga taong nagbabakasyon ay mas pinipiling bumiyahe sa ibang lugar at mag-relax. Ito ang kanilang eskapo sa magulong mundo ng siyudad ng kanilang mga trabaho.

Photo Credit: @dennistrillo/Instagram




Karaniwang sa mga lugar na kanilang pinupuntahan ay iyong tahimik at pribadong mga lugar para magkaroon sila ng oras na makapag muni-muni. Sa pagkakataong sila ay may kasintahan, ginagamit nila ang oras na ito upang makapag-catch up sa kanilang relasyon nawawalan na ng oras dahil sa kanilang trabaho.

Photo Credit: @mercadojenny/Instagram

Hindi rin iba ang sitwasyon na ito pagdating sa mga artista. Walang “fixed” na schedule ang mga artista lalo na kung may mga pelikula silang dapat i-shoot. Kadalasan, wala silang mga tulog dahil sa kaliwa’t kanan na shooting, taping, photo-shoots, at iba pa. Kaya naman, nararapat lamang na magkaroon sila ng pagkakataong makapag bakasyon upang mapagigihan pa nila ang pag-arte sa harap ng kamera.

Photo Credit: @dennistrillo/Instagram

Para sa magkasintahan, sa harap at likod ng kamera, na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, mainam na bakasyunan ang pribadong spa at resort sa Lipa, Batangas na ang The Farm. Dito nila ginugol ang kanilang bakasyon kasabay na rin ng Semana Santa. Makikita sa kani-kanilang Instagram post ang mga litratong kanilang ipinasilip sa kanilang mga taga-hanga at taga-suporta na talagang nag-enjoy ang dalawa sa kanilang bakasyon sa Batangas.

Maliban pa rito, nagkaroon rin ng nakakatuwang litrato si Dennis Trillo sa isang lomihan sa Batangas na “Liam’s Lomi.” Si Liam ay ang ginagampanang karakter ni Dennis Trillo sa programa noon ng GMA na TOTGA. Noong mga panahong iyon, naging busy rin si Jennylyn sa pagsho-shoot niya ng programang “The Cure.” Maraming mga fans ang natuwa sa kanilang mga litrato. Mabuti naman at nagkaroon sila ng pagkakataong magkaroon ng maayos na bakasyon.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *