Tingnan Ang Pagpapasilip Ni Ysabel Ortega Lapid Ng Kanilang Modern Balinese Inspired Rest House Na Matatagpuan Sa La Union

Para sa katuparan ng request ng kanyang mga YouTube Subscribers, ay ipinasilip ng aktres na si Ysabel Ortega – Lapid ang kanilang napakaganda at nakak-relaks na bahay na matatagpuan sa La Union, kung saan ito ay tila isang Rest house, dahil sa kaharap lamang nito ay dalampasigan.




Sa naging pagpapasilip nga ni Ysabel sa kanilang bahay sa la Union, ay nakita natin na sa pagpasok pa lamang sa naturang bahay, ay agad ng bubungad ang kanilang bamboo sala, kung saan ay halos lahat ng makikitang mga kagamitan dito ay mga gawa ng mga local furniture maker sa La Union.

Image Credit via YouTube

Kapansin-pansin pa, na karamihan sa mga kagamitan na makikita sa bahay na ito ng aktres, ay halos gawa sa mga kahoy. Makikita nga sa pinaka-pangunahing sala ng nasabing bahay, ang iba’t ibang mga solid decoration pieces.

Image Credit via YouTube

Ayon nga sa aktres, ang kabuuang disenyo ng bahay nilang ito sa La Union ay “modern-balinese inspired with some Filipino element.” Ang pinaka-highlight na dekorasyon na makikita sa pangunahing sala ng bahay nina Ysabel ay ang kanilang family picture.

Image Credit via YouTube

Samantala, maliban sa kanilang pangunahing sala, ay ipinasilip rin ni Ysabel ang kanilang ikalawang sala, na kapansin-pansin naman na halos karamihan ng mga dekorasyon na narito na Balinese-inspired home decoration, ay mula sa furniture at home décor na Crate and Barrel.

Image Credit via YouTube

Ipinakita rin ng aktres, ang kanyang paboritong sofa, kung saan umano siya madalas na tumatambay. Sunod naman na ipinakita ni Ysabel ay ang ilan pang bahagi ng kanilang bahay, tulad na lamang ng kanilang dining area, kung saan isang bilog na dining table naman ang kanilang hapag-kainan.

Image Credit via YouTube

Sa naging pagbabahagi ng aktres, ay sinabi nito na ang kanilang dinig table ay mula pa sa isang “uprooted tree”, na ipinasadya nilang ipagawa na maging lamesa.
Mapapansin rin na ang mga upuan sa dining nina Ysabel ay gawa lahat sa mga solid wood, kaya naman talagang maganda at matibay pagkakayari nito.

Image Credit via YouTube

Ipinasyal din ni Ysabel ang kanyang mga subscribers sa kanilang Koi pond, kung saan ay mayroon silang higit 50 alagang mga Koi Fish. Ayon nga sa aktres, nasa siyam talampakan ang lalim ng kanilang Koi Pond.

Image Credit via YouTube

Matapos nga ang pagpapakita sa loob na bahagi ng kanilang bahay, ay ipinakita naman ng aktres ang nasa na bahagi nito, katulad na lamang ng kanilang lanai at swimming pool.

Image Credit via YouTube

Dalawang klase nga ng swimming pool mayroon ang bahay na ito nina Ysabel, Isang regular pool at ang isa naman ay kiddie pool. Maliban pa rito, matatanaw naman sa may itaas bahagi ng kanilang pool area, ang kanilang jacuzzi at water fountain.

Video Credit: Ysabel Ortega Lapid/YouTube

Bago pa nga matapos ang kanyang video vlog, ay ipinasilip rin ni Ysabel ang opisina ng kanyang step-dad na si dating PNP Director Gregorio “Greg” Pimentel. At ang pinakahuli nga sa bahagi ng bahay nila ang kanyang ipinasilip, ay ang kanilang movie room, kitchen room at prayer area.




Si Ysabel Ortega – Lapid, ay anak ng dating singer na si Michelle Ortega sa aktor na si Lito Lapid. Sa ngayon nga ay tumatayong step-dad ni Ysabel si Greg Pimentel, matapos ikasal dito ng kanyang inang si Michelle noong taong 2018.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *