Tingnan Ang Simple Ngunit Super Relaxing Na Loft Bedroom Nina Yeng Constantino

Sa YouTube channel ng singer na si Yeng Constantino kamakailan lamang ay kanya ngang ipinasilip ang farm house na ipinagawa nila ng mister niyang si Yan sa kanilang probinsya kung saan naninirahan ang kanyang mga magulang. Ayon nga sa naging pagbabahagi ni Yeng ng kanilang ipinagawang farm house, ay halos katatapos lamang nga nito kaya wala pa itomg mga kagamitan.




Hindi naman nagtagal muling nag-upload ng panibagong vlog sa kanyang YouTube si Yeng at sa pagkakataon na ito ay ipinasilip naman niya ang naging pag-aayos t paglalagay nila ng dekorasyon sa iba’t ibang bahagi ng kanilang farm house. Ang pinakabago nga sa upload ng singer ay ang kanyang vlog kung saan makikita ang naging pag-aayos nila ng kanilang lift bedroom.

Image Credit via Instagram

Ipinakita ni Yeng sa kanyang bagong vlog kung paano nga nila pinagtulungan na pagandahin ang loft bedroom nila, kung saan katulong nga niya sa pagsasa-ayos at pagpapaganda nito ay ang kanyang kapatid at mister niyang si Yan. Makikita sa unang bahagi ng video ang naging paglilinis muna ni Yeng at ng kapatid niya sa loft bedroom kung saan ay pinunasan muna nga nila ang sahig nito, upang siguraduhin nga na kapag nilapag na ang magiging tulugan ay malinisn na ito.

Image Credit via Instagram

Pagkatapos ngang magpunas ng sahig, kasunod na ginawa ni Yeng at ng kanyang kapatid ay ang paglalagay ng dekorasyon, kung saan una nga sa mga ito ay ang pagkakabit ng tatlong round mirror sa wall na ang nanguna nga sa pagkakabit ay ang kapatid ni Yeng dahil ayon sa singer ay mas visualize nga ito pagdating sa pag-decorate.

Image Credit via Instagram

Nang maayos na nga nila sa wall ang tatlong round mirror, ay isinunodnaman ng dalawa na ikabit ang isang printed na tela, na ayon kay Yeng ay binili niya sa “Shein”. Ang nasabing tela nga umano na ito na isasabit nila sa may wall ay siyang magsisilbing dekorasyon at headboard na din ng kanilang kama.

Image Credit via Instagram

Nang halos naikabit na nga ang mga dekorasyon ay tinulungan naman ni Yeng nag mister niyang si Yan na maiakyat sa kanilang loft bed ang ilang mga kahoy na gagamitin sa pag-assemble nito ng magiging frame ng kanilang higaan. At nang maayos na nga ni Yan ang bedframe nila ay kanila na ngang iniakyat ang kutson at sabay nilagyan na din nila ito ng bedcover.

Halos kumpleto na nga, ngunit may kulang pa ayon kay Yeng at ito nga ay ang dalawang mini side table na ginawa ng kanyang asawa, kung saan dito naman nila ipinatong ang magsisilbing lamp nila sa gabi at ito nga ay ang dalawang modernong lampara na yon kay Yeng ay binili niya naman sa “Ikea”.




Huli namang inilagay nina Yeng sa kanilang loft bedroom ay ang mga pallet wood na nagsilbing patungan ng kanilang TV. Nilagyan din nga ni Yeng ng isang uri ng halaman sa loob ng kanilang loft bed para mas relaxing ito tignan. Talaga namang nakaka-relaks tignan ng tuluyan ng matapos ang pag aayos nina Yeng sa kanilang loft bed dahil sa minimalist nitong tema.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *