Tingnan Ang “Stunning Looks” Ni Kapuso Actress Sanya Lopez Suot Ang Nagagandahan All Black Outfit

Isa sa mga popular na Kapuso actress ngayon ay ang “My First Lady” star na si Sanya Lopez, kung saan tunay namang kahanga-hanga ang kanyang angking kagandahan at karisma dahil mapa-sweet man o sexy wild girl ang kanyang datingan ay talaga namang kering-keri niya ito.




Samantala, si Sanya ay isa sa mga celebrity actress na mas hilig nga ang mga outfit na matitingkad ang kulay, ngunit sa kabila nito ay hilig din niya ang mag-slay suot ang mga eleganteng black outfits, mapa-beach outfit man ito o mga sosyalang outfit.

Photo Credit: sanyalopez/Instagram

Sa ilang mga larawan ng ng Kapuso actress sa kanyang social media account ay makikita kung gaano kabagay sa kanya ang mga black outfits. Halimbawa na nga lamang nito ay ang larawan niya na kuha sa isang dalampasigan kung saan siya ay nakasuot ng black swimsuit.

Photo Credit: sanyalopez/Instagram

Makikita nga sa mga larawan ng ‘First Lady’ actress kung gaano ito kasaya habang nag-i-enjoy sa pamamasyal at pagtampisaw sa beach na kuha nga sa kanyang naging baksyon.
Ang ibang mga larawan naman ni Sanya na makikita siyang naka-black out fit ay ang isang larawan kung saan siya nga ay naka-fierce pose, at tunay namang napaka-elegante niya tingnan sa all-black out fit niyang ito. Mayroon ding larawan ang Kapuso actress na talagang napakaganda niya kung saan siya nga ay naka-Gee Jocson-curated look.

Photo Credit: sanyalopez/Instagram

Matatandaan naman na noong buwan ng Oktubre noong nakaraang taon ay marami ang napa-wow ng ibahagi ni Sanya sa kanyang Instagram account ang mga nagagandahan niyang larawan sa ginawa niyang “Amazona” themed photoshoot.

Photo Credit: sanyalopez/Instagram

Napaka-stylish din ng awrahan ni Sanya noong siya nga ay pumunta sa Osaka Japan, kung saan black outfit din ang kanyang kasuotan.
Tunay namang marami ang humahanga kay Sanya, hindi lamang sa pagiging isa niyang mahusay na aktres kundi dahil na rin sa taglay niyang kagandahan idagdag pa ang maganda niyang hubog ng pangangatawan na nakabibighani nga naman. Perfect nga naman pang-model feature si Sanya.

Photo Credit: sanyalopez/Instagram




Si Sanya Lopez o sa tunay na buhay ay si Shaira Lenn Osuna Roberto ay isa sa mga sikat na aktres ngayon sa mundo ng showbiz sa Pilipinas. Siya ay nakilala ng publiko dahil sa mahusay niyang paganap sa mga karakter niya sa mga proyektong kanyang ginawa tulad na lamang ng pagiging si Angela Luciano Alonzo niya sa teleserye noon na “Haplos” at ang pagiging si Sang’ Danaya niya sa GMA fantaserye na Encantadia.
Ngayon ay napapanood naman natin si Sanya sa Kapuso serye na “First Lady”.

Leave a Reply

Your email address will not be published.