Tingnan Ang Surprise Plantito-Themed Birthday Party Ni Idol Raffy Tulfo Na Inihanda Ng Kanyang Pamilya Para Ika-61 Taong Kaarawan

Talaga namang lubos na na nasorpresa ang TV5 broadcast journalist na si Raffy Tulfo sa naging birthday surprise sa kanya ng kanyang pamilya, kung saan ay ag-prepara ang mga ito ng isang plantito-themed birthday party para sa pagdiriwang niya ng kanyang ika-61 taong kaarawan.




Ang mismong araw ng kaarawan ni Raffy ay noon pa ngang ika-12 ng Marso, ngunit ang nasabing birthday surprise sa kanya ng kanyang pamilya ay naganap na noong ika-13 ng Marso kung saan nga ay hindi inasahan ng broadcast journalist na sa kanyang pag-uwi sa kanilang tahanan sa Quezon City,

Image Credit via Google

ay daratnan niya na tila isang mala-paraisong lugar ang kanilang tahanan dahil sa napakaganda ng naging pagdisenyo dito, gamit ang mga naggagandahang halaman.
Ang inihanda nga ng kanyang pamilya para sa kaarawan niya ay isang ‘intimate dinner’ na dinaluhan lamang ng kanilang pamilya.

Image Credit via Google

Nang ibahagi nga ang mga larawan na kuha sa naging kaganapan na surprise intimate birthday party para kay Raffy na may temang plantito, ay makikita ang napakagandang disenyo ng lugar, kung saan nga ay napapalibutan ito ng iba’t ibang mga klaseng halaman na mas pinatingkad pa nga ng bright neon lightning, at black and white décor.

Image Credit via Google

Base sa mga naging ulat, ang mahusay na designer at event stylist na Dave Sandoval, kasama ang La Belle Fete ang nasa likod ng napakagandang at makulay na disenyo at dekorasyon sa naging plantio birthday themed party ni Raffy Tulfo.

Image Credit via Google

Maliban nga sa napakagandang backdrop, ay naging agaw-pansin pa lalo ang disenyo ng main table, dahil sa inilgay ditong dekorasyon ang iba’t ibang uri ng succulents.

Ayon naman sa designer at event stylist na si Dave, sa kabila ng puno ng halaman ang ginawa nilang pag-set up sa lugar, ay binagayan pa nila ito ng mga bagay na magpapa ‘musculine effect’ dito, katulad na nga lamang ng silver ornaments at mga industrial chairs.

Samantala, ilan nga sa mga nag-gagandahang halaman na makikita sa plantito themed birthday party ni Raffy maliban sa mga succulents, ay ang moth orchids, zamia furfuracea at Ecuadorean roses na sinamahan nga ng mga kulay silver na disenyo upang mas maging elegante at magandang tingnan.

Maging ang cake nga ni Idol Raffy ay binagay din sa tema ng kanyang kaarawan, kung saan ito ay isang RAD plantito theme din, na nilikha nga ni Chef Castillo Fuentes, isang cake artists.




Ang mga masasarap na pagkain naman na nagpabago sa tiyan ni Raffy at ng kanyang pamilya, na kanila ngang pinagsaluhan ay inihanda ng Juan Catering. Labis na naman ang naging pasasalamat ni Idol Raffy sa kanyang pamilya, dahil sa sorpresa ng inihandog ng mga ito para sa kanyang kaarawan na labis ngang nagbigay sa kanya ng kaligayahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *