Tingnan Ang Very ‘Cute At Very Adorable Baby’ Nina Elisse Joson At McCoy De Leon

Matapos ang naging pagsasapubliko nina Elisse Joson at McCoy de Leon ng pagkakaroon na nila ng baby girl, ay kasunod nga nito ang naging madalas ng pagbabahagi nila sa kani-kanilang Instagram account ng mga nakakaaliw nilang larawan magpamilya at ng mga nakakagigil na larawan ng napaka-cute na baby.




Noon ngang ika-1 ng Nobyembre ng ibinahagi na nina Elisse at McCoy sa kani-kanilang Instagram account ang mga cute na cute na larawan nilang magpamilya kasama nga nila si Baby Felize.

Image Credit via Instagram

Sa mga larawan nga na ito, ay masisilayan kung gaano ka-cute at kagiliw-giliw ang baby girl nila na si Felize, lalo na nga’t kitang kita ang napakagandang mga ngiti ng sanggol.
“Happy Baby”, ang naging simpleng caption ni Elisse sa mga larawan.

Image Credit via Instagram

Agad nga dumagsa ang napakaraming komento sa mga family photo na ito nina Elisse, McCoy at Baby Felize. At ang talagang naging agaw-pansin nga sa maraming mga netizens ay ang nag-uumapaw na kakyutan ni Felize na talaga namang nakakagigil.
Maliban sa mga netizens, ay marami rin sa mga kaibigan nina Elisse at McCoy sa showbiz, ang pinanggigilan at kinaaliwan ang kakyutan ni baby Felize.

Image Credit via Instagram

“She’s so cute!!!!”, ang naging komento ng aktres at mommy na rin na si Sofia Andres.
“Pakurot ako, ateeee,”, saad naman ng tila gigil nga kay Felize na si Maymay Entrata.
‘Can I die of cuteness’, ang naging saad naman ni Isabelle Daza. “Super cuuuuuteee!!!!! Gigil,”, ayon naman sa aktres na si Jane Oineza.

Image Credit via Instagram

Maliban pa sa kanila ay nagbigay din ng komento ang iba pang mga celebrity kagaya na lamang nina Alex Gonzaga, Jessy Mendiola, Melissa Ricks, Sunshine Garcia, Rufa Mae Quinto, DJ Chacha, Kristel Fulgar, Coraleen Waddell at Vivoree Esclito.

Image Credit via Instagram

Matatandaan na noon nga lamang ika-31 ng Oktubre sa Piny Big Brother house, isinapubliko nina Elisse at McCoy ang pagkakaroon na nila ng napaka-cute at napakabait na baby girl. Ito nga ay naganap ng muling bisitahin ng dalawa ang PBB house at maging guest nga sila sa Pinoy Big Brother Komunity Season 10.

Image Credit via Instagram

Bago pa man nga ibahagi nila Elisse at McCoy ang patungkol sa kanilang baby, ay una muna nilang tinanong si Kuya o Big Brother kung pwede bai tong maging ninong ng kanilang baby girl. “Actually , kuya, may gusto kaming itanong sa inyo”, panimula ni Elisse.
Na sinundan naman ni McCoy ng katanungan kay Kuya na, “Pwede po ba kayong gawing ninong sa anak namin.”

Kasunod na nga nito ay ang naging pagbabahagi ni Elisse ng pagkakaroon nila ni McCoy ng baby girl, na kanila ngang pinangalang Felize McCenzie. “Kuya uhm, kami po ni McCoy, meron kaming isang napakaganda at napakabait na baby girl”, pagbubunyag ni Elisse.

Kinabukasan naman nito, matapos nga ang naging pagbubunyag ni Elisse at McCoy ng pagkakaroon na nila ng baby girl, ay proud ng ibinahagi ni Elisse sa kanyang YouTube channel sa pamamagitan ng vlog ang naging pregnancy journey niya.

Matatandaan na nagsimula ang matamis na pag-iibigan nina Elisse at McCoy ng sila ay parehong maging housemates ng Pinoy Big Brother: Lucky Season 7 noong taong 2016. Paglabas ng PBB house ay nagtuloy tuloy ay pagkakamabutihan ng dalawa, hanggang maging magkasintahan na nga sila at tinawag ang kanilang tambalan na “McLisse”.




Taong 2018 ng dumaan sa pagsubok ang kanilang relasyon, kung saan ay lumabas nga ang balitang hiwalay na ang dalawa. Ngunit, nito lamang nakaraang buwan ng Hunyo, ay masaya ngang kinumpirma nina Elisse at McCoy ang pagbabalikan nila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *